Lahat ay malugod na tinatanggap. Bumisita sa isang simbahang malapit sa inyo.
Mga Karaniwang Tanong
Kristiyano ba ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Oo! Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, naniniwala kami na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas ng Mundo. Mahal Niya tayong lahat nang higit pa sa kaya nating isipin. Itinuturing namin ang aming sarili bilang mga tapat na tagasunod ni Jesus. Bagama’t naiiba ang ilan sa aming mga paniniwala, naniniwala kami na sa pamamagitan ng Kanyang buhay, ministeryo, sakripisyo, at pagkabuhay na mag-uli, iniligtas tayo ni Jesucristo mula sa kasalanan, pagdurusa, at kamatayan.
Alamin pa ang tungkol sa aming mga paniniwala
Ano ang ginagawa sa mga pulong sa Simbahan?
Ang mga oras ng mga pulong sa Simbahan ay iba-iba ayon sa kongregasyon. Gayunman, maaasahan mong may isang pangunahing pulong ng pagsamba para sa lahat na susundan ng mga klase para sa mga bata, kabataan, at matatanda.
Ang pulong para sa lahat ay tinatawag na “sacrament meeting.” Ang pulong na ito ay may mga awitin, panalangin, at sermon (o “mga mensahe”) na ibinibigay ng iba’t ibang miyembro ng kongregasyon bawat linggo. Pero ang pinakamahalagang bahagi ng pulong na ito ay ang pagtanggap namin ng sakramento (na tulad ng komunyon) upang alalahanin ang Tagapagligtas.
Alam pa ang tungkol sa mga pulong sa araw ng Linggo o maghanap ng isang simbahan na malapit sa inyo.
Bakit may mga templo ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, ang templo ay kakaiba sa ibang mga gusali ng Simbahan. Ang templo ay isang lugar kung saan ang mga Banal sa mga Huling Araw ay tumatanggap ng espesyal na tagubilin tungkol sa Diyos at kay Jesucristo. Sa templo, ang mga miyembro ay gumagawa ng mga walang-hanggang tipan (o pangako) sa Diyos. Kabilang dito ang mga pangakong susundin ang mga kautusan, ipamumuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo, magiging tapat sa asawa, at tutulong na alagaan ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mayroon kami.
At dahil naniniwala rin kami na ang pamilya ay walang hanggan, marami sa gawaing isinasagawa sa templo ay para patibayin ang ugnayan ng pamilya. Ang mga kasal na isinasagawa sa loob ng templo ay nilayong maging walang hanggan, at hindi lamang “hanggang sa kamatayan kayo ay maghiwalay.” Sa loob ng mga templo ang mga magulang at mga anak ay nagiging walang-hanggang pamilya. Matatanggap din ng mga ninuno ang lahat ng pagpapala ng templo kung may taong magsasagawa ng mga sagradong ordenansa para sa kanila at tatanggapin nila ang paglilingkod na iyon. Maraming gawain sa templo!
Ano ang Aklat ni Mormon?
Ang Aklat ni Mormon ay isang aklat ng inspiradong banal na kasulatan na nagtuturo sa atin tungkol sa Diyos at kay Jesucristo. Tinutulungan tayo nitong tumanggap ng patnubay para sa ating personal na buhay at makatutulong sa atin na mas mapalapit kay Jesucristo. Saan nanggaling ang pangalan nito? Daan-daang taon na nakalipas, isang sinaunang propetang nagngangalang Mormon ang nagtipon ng mga tala ng kanyang mga tao. Hinarap din nila ang maraming hamon na katulad ng mga hinaharap natin. At gaya lang din natin, nakatagpo sila ng lakas noong bumaling sila kay Jesucristo. Alamin kung ano ang Aklat ni Mormon kasama ang mga missionary.
Ang Aklat ni Mormon ay kasama ng Biblia bilang isa pang tipan ni Jesucristo at ng Kanyang banal na misyon bilang Tagapagligtas at Manunubos ng sanlibutan. Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon ay magkasamang naglalaan ng higit na pang-unawa tungkol sa dakilang pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat at makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Kanya.
Alamin kung paano nagtutulungan ang Biblia at Aklat ni Mormon.
Naniniwala ba kami sa Biblia?
Oo. Ang Biblia ay salita ng Diyos, isang sagradong tomo ng banal na kasulatan, at ang pagsunod sa mga turo nito ay nagdadala ng kagalakan sa ating buhay. Kasama ng Biblia, nakakahanap din tayo ng inspirasyon sa iba pang banal na kasulatan na natatangi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nagtutulungan ang mga ito na magturo ng mga mahahalagang katotohanan tungkol sa Diyos at kay Jesucristo.
Alamin ang higit pa tungkol sa aming paniniwala sa Biblia.
Mas lumapit sa Diyos. Makipagkita sa mga missionary.
Makipag-usap sa mga missionary online o nang personal. Sasagutin namin ang iyong mga katanungan at ipapakilala ka sa lokal na komunidad ng simbahan sa inyong lugar.
Mensahe ng Pag-asa
Mga kapatid, literal nating mababago ang mundo—isang tao at isang pakikipag-ugnayan sa bawat pagkakataon. Paano? Sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano mahaharap ang tunay na pagkakaiba-iba ng mga opinyon nang may paggalang sa isa’t isa at sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang may dignidad.
Isang Komunidad ng Pananampalataya na Nakatuon kay Jesucristo
Tumanggap ng pinakabagong balita mula sa Simbahan.
May magagandang bagay na nangyayari sa buong mundo. Tumanggap ng mga update tungkol sa mga proyekto, kaganapan, pagtulong sa mga kalamidad, at marami pang iba tungkol sa Simbahan.