LDS Media Player (Video)

Ano ang mga kailangan ng system para mapanood ang video sa LDS Media Player?

Dapat naka-install sa computer mo ang isa sa sumusunod na mga Internet browser at Flash version.

Paalala: Kung palaging nagka-crash ang flash mo, i-disable lamang ang flash hardware acceleration. Ititigil nito ang pag-crash at aandar na muli ang video. Mangyaring tingnan ang mga instruksyon kung paano gawin ito.

 

Windows PC

Mac

Browser

  • Chrome
  • Firefox 3.0.1 o mas mataas
  • Internet Explorer 6 SP1
  • Internet Explorer 7
  • Internet Explorer 8
  • Safari 3.2.2 o mas mataas
  • Safari 4 o mas mataas
  • Chrome
  • Firefox 3.0.1 o mas mataas
  • Safari 3.2.1 o mas mataas
  • Safari 4 o mas mataas

 

 

Flash

  • Flash Player 10
  • Flash Player 10

Paalala: May karaniwang mga problema sa Flash version 10.1.85.3. Mag-upgrade lamang sa pinakabagong Flash version kapag nagkakaproblema ka sa panonood ng video sa LDS Media Player.

May napansin din kaming problema sa iOS 4.3x. Matapos i-press ang play button, maghintay ng ilang segundo habang naglo-load ito at dapat ay umandar na ito. Habang naglo-load ito, huwag pinduting muli ang center play button o ang isa na lilitaw sa gilid. Nangyayari lang ito sa 4.3x.


Bakit patigil-tigil o humihinto kung minsan ang video habang pinapaandar?

Maaaring magpatigil-tigil o huminto ang video kapag hindi gaanong mabilis ang Internet connection mo o kung mabagal ang processor o masyadong maliit ang RAM (memory) ng computer mo. Kahit sa mga broadband connection, ang Internet congestion o traffic ay maaaring dahilan ng patigil-tigil na pag-andar o paulit-ulit na pag-buffer.

Paano ko maibabahagi ang link ng isang video?

Gamitin ang mga opsyon na Shared Video o Get Link mula sa mga rollover menu button sa player. Makokopya mo ang link at mailalagay ito sa e-mail message o web page.

Ano ang gamit ng “Get Code”?

Ang Get Code ay nagtutulot sa iyo na kopyahin ang HTML embed code para sa player at ilagay ito sa web page mo. Magagamit mo ang opsyon na ito para maging bahagi na ng web page mo ang LDS Media Player.

Nagpapakita ng warning ang LDS Media Player na nagsasabing kailangan kong i-upgrade ang Flash Player. Paano ako mag-a-upgrade?

Ang media player ay magpapakita ng mensaheng tulad nito:

Maaari kang mag-klik sa mensahe para makuha ang pinakabagong version ng Flash Player mula sa Adobe.

Ang LDS Media Player ay hindi tama ang pagka-display o maling video ang ipinapalabas. Paano ko ito maaayos?

Ang iyong web browser ay maaring nagpapakita ng cache (o lumang) impormasyon. Para malinis mo ang browser cache mo at makita ang pinakabagong version ng pahinang ginagamit mo, i-klik ang CTRL + F5 para sa Windows o COMMAND + SHIFT + R para sa Mac.

Windows Media Player (Video o Audio Lamang)

Ang ChurchofJesusChrist.org ay gumagamit ng Windows Media Player mula sa Microsoft para makapagbigay ng video at audio stream. Para mapanood o mapakinggan ang mga video o audio stream, kailangan mong i-install ang Windows Media Player iyong computer kung sakaling wala ka pa nito.

Para malaman kung mayroon o wala kang Windows Media Player sa computer mo, i-klik ang Windows Media Player test. Kung may lilitaw na maliit na window at may maririnig ka, may player nang naka-install. Kung ipinapakita ng browser mo na wala ka ng kailangang plug-in o helper application, maaari kang mag-download ng Windows Media Player nang libre.