Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan

Youth Protection Program: Christ with Children

Magklik dito para sa training.

Dapat tapusin ng lahat ng lider at guro ng mga bata o kabataan ang training na ito sa loob ng isang buwan matapos silang tawagin.

Ang mga aktibidad at klase sa Simbahan ay mga pagkakataon para madama ng mga bata at kabataan ang pagmamahal ng Tagapagligtas at ang impluwensya ng Espiritu Santo. Habang nakikilahok, kailangang madama ng mga bata at kabataan na sila ay ligtas at protektado. Dapat tularan ng mga lider at guro ang halimbawa ng pagmamahal at pagmamalasakit ng Tagapagligtas para sa mga bata.

Ang training na ito ay sumasaklaw sa mga paraan ng pagtukoy at pag-iwas sa pisikal, seksuwal, verbal (pananalita), at iba pang uri ng pang-aabuso. Ang resources sa ibaba ay makatutulong din sa iyo na matukoy at maiwasan ang pang-aabuso. Ang training ay nagpapakita ng mga sitwasyon na tutulong sa iyo na mas maunawaan at sundin ang mga pangunahing alituntunin at patakaran.

Mga Pangunahing Alituntunin at Patakaran na Sumasaklaw sa Training

  • Inaasahan ng Panginoon na gagawin natin ang lahat upang maiwasan ang pang-aabuso at protektahan at tulungan ang mga naging biktima ng pang-aabuso.
  • Hindi kinukunsinti ng Simbahan ang pang-aabuso sa anumang paraan. Ang pang-aabuso ay labag sa mga batas ng Diyos at maaaring paglabag din sa mga batas ng lipunan.
  • Kapag tinuturuan ng mga adult ang mga bata o kabataan sa loob ng Simbahan, “dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult” (Pangkalahatang Hanbuk: Mga Klase para sa mga Kabataan, 13.4.1 at Pangangalaga sa mga Bata, 12.5.1).
  • “Sa lahat ng aktibidad na itinataguyod ng Simbahan na dinadaluhan ng mga bata, kabataan, at young single adult, dapat ay mayroong kahit dalawang adult na magbabantay” (Pangkalahatang Hanbuk: Pangangasiwa ng mga Adult, 20.7.1).
  • Iwasan ang mahabang personal na komunikasyon sa mga bata o kabataan, at regular na makipag-ugnayan sa mga magulang o tagapag-alaga tungkol sa mga aktibidad o problema.

Kapag may nangyaring maling pag-uugali o pang-aabuso, dapat kang kumilos kaagad para protektahan ang mga bata o kabataan.

U.S. at Canada

Kung may nalaman kang naganap na pang-aabuso, dapat mong kontakin kaagad ang mga legal na awtoridad. Dapat ka ring sumangguni sa iyong bishop o stake president, na tatawag sa abuse help line para sa patnubay sa pagtulong sa mga biktima at pagkumpleto sa mga kailangang gawin sa pagrereport.

Mga Bansa sa Labas ng U.S. at Canada

Alamin kung paano at kailan mo dapat ireport ang pang-aabuso. Sa karamihan ng mga bansa, kailangan mong kontakin kaagad ang mga legal na awtoridad. Kausapin ang iyong bishop o stake president para maituro sa iyo ang dapat mong gawin. Kung walang abuse help line sa inyong bansa, sa stake president at area office hihingi ng payo ang bishop para malaman ang tamang proseso ng pagrereport ng pang-aabuso at pagprotekta sa tao na inabuso.

Ang mga bata at kabataan na inabuso ay nangangailangan ng mabait at mapag-arugang pag-aasikaso ng mga inspiradong lider ng Simbahan, mga kapamilya, at iba pa, maging ng mga bihasang propesyonal, na makatutulong sa kanila na madaig ang mga mapanirang epekto ng pang-aabuso. Ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Tagapagligtas na si Jesucristo ay magpapagaan ng mga pasanin at magbibigay ng lakas para malampasan ang mga paghihirap.

Mangyaring tingnan ang Mga Bagay na Madalas Itanong sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa online training module na ito at kung paano maiiwasan at tutugunan ang pang-aabuso habang nasa iyong tungkulin.

Mga Bagay na Madalas Itanong

Resources ng Simbahan

Karagdagang Resources at Impormasyon