- Sino Kami? Ang EnglishConnect ay isang programa ng pag-aaral sa wikang Ingles na itinataguyod ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, isang pandaigdigang Simbahang Kristiyano na may headquarters sa Salt Lake City, Utah, Estados Unidos ng Amerika (ang “Simbahan”). Dinaragdagan namin ang kahusayan sa wikang Ingles sa pamamagitan ng mga in-person lesson, online at audio module, at iba pang mga gawain ng pagpapraktis. Bagama’t ang mga lesson ay ginawa para maragdagan ang kahusayan sa wikang Ingles, naglalaman din ang mga ito ng mga bagay na ukol sa relihiyon. Hindi namin dinadala ang anumang uri ng accreditation o naggagawad ng anumang uri ng degree o credit ng anumang programa sa edukasyon o training program.
- Mga Pamantayan sa Paglahok. Lahat ay malugod na tinatanggap para lumahok sa EnglishConnect, basta susundin nila itong Mga Tuntunin ng Paglahok. Hindi namin sinasala ang mga participant o kalahok sa anumang paraan bago sila makilahok. Inaasahan namin na tatratuhin ninyo ang iba pang mga kalahok nang may dignidad at paggalang. Huwag humingi ng pera, magkaroon ng diskriminasyon, o maging marahas kahit kanino. Gumamit ng mabuting paghatol sa ibabahagi mo sa iba tungkol sa iyong sarili. Anumang asal o pananalita na ipinapalagay na hindi angkop o kaya ay lumilikha ng hindi ligtas na kapaligiran para sa iba ay hindi katanggap-tanggap. Maaaring alisin ng mga group facilitator ang sinuman mula sa grupo para sa anumang dahilan ayon sa kanilang paghatol.
- Data Privacy. Kapag ikaw ay nag-sign up sa EnglishConnect at nagbigay sa amin ng iyong personal na impormasyon, pinipili mong lumahok sa aming komunidad. Maaari ka naming kontakin para ipagbigay-alam sa iyo ang mga karagdagang paraan na maaari kang makilahok na kasama namin. Iginagalang namin ang iyong pribadong buhay at gagamitin lamang ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa mga lokal na batas at sa Global Privacy Notice ng Simbahan. Alinsunod sa Pabatid, ang aming mga guro, boluntaryo, at empleyado, pati na ang mga lokal na miyembro o lider ng Simbahan, ay maaaring ma-access at iproseso ang personal na impormasyong ibinibigay mo sa amin, batay sa kung ano ang kailangang malaman, para tulungan at suportahan ang iyong paglahok sa EnglishConnect o sa iba pang mga programa ng Simbahan. Ginagawa nila ito upang tumugon sa iyong mga kahilingan, magbigay ng impormasyon at serbisyo, isagawa ang mga lehitimong interes, at matugunan ang mga legal na obligasyon.
- Internet Access at mga Bayad. Kakailanganin mo ng access sa computer na may high-speed Internet connection at audio recording para epektibong makalahok sa EnglishConnect. Walang bayad ang partisipasyon o paglahok sa EnglishConnect 1 & 2, bagama’t maaari kang singilin ng kaunting bayad para sa mga kopya ng naka-print na materyal. Ang EnglishConnect 3 ay isang murang online course na inilalaan sa pamamagitan ng BYU-Pathway Worldwide.
- Pahintulot ng Magulang. Kung ikaw ay isang menor-de-edad sa estado o bansa kung saan ka nakatira, dapat kang magbigay ng form ng pahintulot na nilagdaan ng magulang/tagapag-alaga bago makilahok sa EnglishConnect. Ang mga form ay makukuha mula sa mga guro ng EnglishConnect.
- Enrollment at Attendance. Kailangan ang minimum na bilang ng mga aplikante para masimulan ang EnglishConnect sa inyong lugar. Kung hindi makakaabot sa minimum na bilang na kailangan, maaaring hindi ka makalahok sa EnglishConnect sa panahong ito. Sa oras na magsimula ang EnglishConnect program, inaasahan ang pagdalo sa lingguhang pagtitipon para mag-usap-usap sa EnglishConnect, na malaking bahagi ng iyong kabuuang pag-unlad, at kailangan ito para makatanggap ng certificate of completion.
- Pagtanggap sa may Kapansanan. Iniisip ng Simbahan ang tagumpay ng lahat ng kalahok sa mga programa nito. Kahit na hindi nakasaad sa batas na kailangang tanggapin o tulungan ang mga kalahok na may kapansanan, ang Simbahan ay nagsisikap na magbigay ng makatwirang tulong sa mga nangangailangan nito, nang kusang-loob at ayon sa paghatol nito. Ang mga kalahok na may mga kapansanan ay maaaring humingi ng tulong sa mga guro at missionary. Ang gayong tulong ay maaaring kaiba sa mga akomodasyong ibinibigay ng iba pang mga institusyon.
- Home
- ChurchofJesusChrist.org
- Mga Tuntunin sa Paglahok