Pabatid tungkol sa Privacy (Na-update 2021-04-06)


Sa Pabatid na ito, kami, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at ang mga entidad nito, ay nagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na datos. Kapag ginamit ang “kami” o “amin” o “namin,” ang tinutukoy namin ay ang Simbahan at ang mga entidad ng Simbahan.

1. Sino ang may kontrol sa iyong personal na datos?

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kumikilos sa pamamagitan ng mga kinatawan at mga entidad ng Simbahan kapag pinoproseso namin ang iyong personal na datos. Kapag nagbahagi ka sa amin ng personal na datos, ibinabahagi mo ito sa Simbahan sa pamamagitan ng mga entidad ng Simbahan.

a. Ang Simbahan: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (ang “Simbahan”) ay isang komunidad ng mga taong naniniwala sa iisang doktrinang panrelihiyon, nagsasagawa ng parehong seremonyang panrelihiyon at mga ordenansa, at pinamamahalaan ng mga alituntuning pansimbahan. Ang mga lokal na unit ng Simbahan, tulad ng mga ward, branch, stake, district, mission, at area, ay mga bahagi lamang ng komunidad na ito ng mga mananampalataya at hindi hiwalay na mga legal na entidad; maliban sa ilang eksepsyon.

b. Mga entidad ng Simbahan: Upang matugunan ang mga pangangailangan sa gawaing temporal at isakatuparan ang iba pang mga layunin ng Simbahan, isang legal na istruktura na binubuo ng iba’t ibang natatanging legal na mga entidad ang tumutulong sa Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang mga natatanging legal entity na ito (ang binanggit dito na “mga entidad ng Simbahan”) ay legal na nakahiwalay sa Simbahan. Isa sa mga entidad na iyon ng Simbahan, ang The Corporation of the Presiding Bishop of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, isang sole corporation sa Utah, kasama ang isa o higit pang mga entidad ng Simbahan, ang nagpoproseso ng iyong personal na datos bilang responsableng magkakasamang mga data controller. Ang ilan pang mga entidad ng Simbahan ay maaaring tumanggap ng personal na datos bilang tagaproseso ng datos upang makapagbigay ng serbisyo sa mga entidad ng Simbahan na gumaganap bilang mga data controller. Sa iyong kahilingan, bibigyan ka namin ng impormasyon kung aling mga entidad ng Simbahan ang nagpoproseso ng iyong personal na datos.

2. Anong personal na datos ang kinokolekta namin?

Kinokolekta namin ang personal na datos na (a) aktibo mong ibinibigay sa amin, (b) itinatala namin, at (c) nakukuha namin mula sa mga third party. Maaari kaming magproseso ng iyong personal na datos mayroon man o walang awtomatikong paraan, kabilang na ang pagkolekta, pagrekord, pag-organisa, pag-istruktura, pag-imbak, pag-akma o pagbabago, pagsusuri, pagsasauli, konsultasyon, paggamit, pagpapabatid sa pamamagitan ng transmisyon, diseminasyon o pagpapahatid, paghahanay-hanay o pagsasama-sama, pagbawal, pagbura, o pagsira ng iyong personal na datos.

a. Aktibong ibinigay na datos. Nagbibigay ka sa amin ng personal na datos kapag sumapi ka sa Simbahan, naghangad ng mga ordenansa ng Simbahan, humingi ng mga materyal ng Simbahan, humingi ng access sa ibang tools o serbisyo ng Simbahan, o nagkaroon ng iba pang pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa Simbahan. Kapag nakikipag-ugnayan ka sa Simbahan, karaniwang ipinoproseso namin ang iyong pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, numero ng telepono, email address, address ng tirahan, larawan, kasarian, impormasyon sa donasyon/pagbabayad, at iba pa. Maaari kang magbigay sa amin ng karagdagang impormasyon para makibahagi, gamit ang iyong sariling pagpapasiya, sa mga survey, paligsahan, o iba pang mga aktibidad o kaganapan, kabilang na kapag nakikibahagi ka sa mga video o audio recording, tulad ng kapag gumagamit ng video conferencing technology. Ang paglahok sa mga survey, paligsahan, at kahalintulad na mga aktibidad ay opsiyonal. Kung ayaw mong lumahok, o magbigay ng iyong personal na datos kaugnay sa gayong mga aktibidad, hindi ito makakaapekto sa kalagayan ng iyong pagiging miyembro o kakayahang gumamit ng tools o serbisyo ng Simbahan. Sa bawat gayong sitwasyon, malalaman mo kung anong personal na datos ang ibinigay mo sa amin dahil kusa at boluntaryo mong isinusumite ang datos.

b. Mga datos na nakukuha namin mula sa mga third party at mga datos na ibinigay ng iba. Kapag pinahihintulutan ng lokal na batas, maaari kang magbigay ng personal na datos, pati na ng contact information ng isang tao maliban sa iyo (sa madaling salita, isang third party) upang makausap namin ang taong iyon, makapagpadala ng kailangan, o kaya ay matugunan ang iyong kahilingan. Kapag nagbibigay ka ng personal na datos ng sinuman maliban sa iyo, kailangan mo munang humingi ng pahintulot sa taong iyon kung ang kanyang pahintulot ay kinakailangan ayon sa batas.

Kung ibinigay mo na o ng ibang tao ang iyong personal na contact information at gusto mong hilingin na huwag ka na naming kontakin pa, sundin lamang ang mga hakbang sa pag-unsubscribe o pag-opt-out na nasa isang partikular na site, newsletter o e-mail notification, o kontakin lamang kami sa www.ChurchofJesusChrist.org/DataPrivacy.

Maaari naming iproseso at ipakita sa publiko ang mga personal na datos na nakuha mula sa nakalathalang mga source. Maaari naming iproseso at ilathala ang bagong impormasyon alinsunod sa angkop na mga lokal na batas.

Ang iyong location-based information ay maaaring kolektahin ng ilang mobile application sa layuning matulungan ka sa paghahanap ng pinakamalapit na templo o lokasyon ng meetinghouse o para sa isang dahilang kahalintulad nito. Maaari mong palitan ang mga setting sa iyong device kung ayaw mo nang ituloy ang location-based services.

Kapag binisita mo ang alinman sa aming resources, ang aming mga server (gamit ang mga log file o filtering system) ay maaaring mangolekta ng impormasyong ipinadadala ng iyong web browser anumang oras na bumisita ka sa isang website. Kabilang sa impormasyong ito, ngunit hindi limitado dito, ang iyong Internet Protocol address (IP address), uri ng browser, operating system, piniling wika, anumang referring web page na binisita mo bago ka nakarating sa aming site, ang petsa at oras ng kahilingan ng bawat bisita, impormasyong hinanap mo sa aming resources, at iba pang impormasyong nakolekta ng cookies o kahalintulad na mga teknolohiya.  Sumangguni lamang sa Cookie Preferences tool (“Cookies Tool”) na naka-post sa bawat isa sa aming mga mobile application at website para malaman ang iba pa tungkol sa cookies, kabilang na ang mga uri ng cookies at para tukuyin kung aling cookies ang ginagamit namin. Gayunman, kung hindi mo tatanggapin ang mga cookie, maaaring hindi mo magamit ang ilang bahagi o function ng aming mga site o application, gaya ng naka-outline sa Cookies Tool.

3. Ano ang mga layunin namin sa pagproseso ng personal na datos?

Nagpoproseso kami ng personal na datos para sa gawaing pansimbahan, genealogy, pagkakawanggawa, kapakanang panlipunan, missionary, pagtuturo, at iba pang mga layunin sa pagpapatakbo at pamamahala.

Ginagamit namin ang personal na datos upang makapagbigay ng serbisyong pansimbahan at iba pang mga kaugnay na serbisyong kinakailangan upang matupad ang misyon ng Simbahan. Maaari naming gamitin at suriin ang personal na datos (pati na ang datos sa kung paano mo ginagamit ang aming tools at mga serbisyo) upang (a) makontak ka o ang ibang tao, (b) gumawa at mag-ingat ng mga rekord ng miyembro, (c) maibigay ang mga hinihiling mong serbisyo, (d) humingi sa iyo ng feedback, (e) i-customize o gawing personal ang mga feature o nilalaman ng aming tools o serbisyo, (f) alamin ang pagiging karapat-dapat na makibahagi sa templo at sa iba pang mga ordenansa, pagmimisyon, at boluntaryong paglilingkod o mga katungkulan sa pamumuno, o (g) pangangasiwa sa mga edukasyong panrelihiyon ng Simbahan, gawaing pangkapakanan, o iba pang mga programa ng Simbahan. Sa kontekstong ito, ang legal na batayan ng pagpoproseso namin ng iyong personal na datos ay maaaring ang pangangailangan sa pagsasagawa ng napagkasunduan at iba pang mga obligasyon namin sa iyo o ang pagsasagawa ng aming mga legal na aktibidad bilang isang simbahan.

Maaari rin naming gamitin ang iyong datos upang sumunod sa kaukulang mga batas at gumamit ng mga legal na karapatan bilang batayan para sa pagpoproseso namin ng datos.

Maaari rin naming gamitin ang iyong personal na datos para sa internal purposes, kabilang na rito ang pag-awdit, pagsusuri ng datos, paglutas ng problema sa system, at pananaliksik. Sa mga ganitong sitwasyon, ibinabatay namin ang aming pagpoproseso sa mga lehitimong layunin sa pagsasagawa ng mga aktibidad ng Simbahan.

4. Kanino kami nagbabahagi ng personal na datos?

Ibinabahagi namin ang iyong personal na datos sa ibang mga party sa sumusunod na mga kalagayan:

a. Mga third-party provider. Maaari kaming magbigay ng personal na datos sa mga third party para kanilang maiproseso ang pagganap ng tungkulin ng mga data processor na kumakatawan sa amin (halimbawa, pagpoproseso ng pagbabayad, maintenance, seguridad, pagsusuri ng datos, pagho-host, mga serbisyo sa pagsukat, data-driven social media messaging, mga survey, at iba pa). Sa ganitong mga pagkakataon, ayon sa Pabatid na ito at sa kaukulang mga batas, ang mga provider ay hinihilingan sa kontrata na protektahan ang personal na datos mula sa karagdagang pagpoproseso (kabilang na ang mga layunin sa pagbebenta) at sa paglilipat.

b. Mga entidad ng Simbahan. Maaari naming ipasa ang personal na datos sa alinmang entidad ng Simbahan upang maisakatuparan ang mga layunin ng Simbahan.

Ang iyong pangkalahatang membership information (kung ikaw ay miyembro ng Simbahan) at anumang opsiyonal na impormasyon na maaari mong piliing ibigay (halimbawa, email address at larawan o video na ibinibigay mo o kaya’y nakuha namin sa iyong pahintulot) sa mga miyembro ng Simbahan sa inyong ward o branch at stake o district, o sa iba pang mga kalahok sa isang programa kung saan nakikibahagi ka, kung kinakailangan para sa mga layunin ng Simbahan na nakalista sa itaas. Ang ilan sa iyong impormasyon ay makikita lamang nang limitado at may restriksyon sa aming mga Internet site, pati na sa ChurchofJesusChrist.org. Maaari mong piliing huwag magbigay ng impormasyon o limitahan ang opsiyonal na impormasyon na ibinibigay mo sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong profile preferences sa mga indibiduwal na resources o sa pagkontak sa amin gamit ang impormasyong nasa ibaba.

c. Mga legal na hinihingi. Maaari naming i-access at ipakita ang iyong personal na datos, mga post, mga tala sa journal, mga online chat, mga personal na tala, nilalaman, o iba pang mga isinumite mo sa anumang resources kung tapat kaming naniniwala na ginagawa namin ito dahil kailangan sa isang subpoena, o sa isang panghukuman o administratibong kautusan, o kaya naman ay hinihingi ng batas. Dagdag pa rito, maaari naming ipakita ang iyong personal na impormasyon at iba pang impormasyon: kung hinihingi ng batas o kung kailangan upang magamit o maipaglaban ang mga legal na karapatan; upang makapag-ingat laban sa pagkakaroon ng pananagutan; upang maprotektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng pinagkunan ng impormasyon ng sinumang indibiduwal o ng publiko sa pangkalahatan; upang mapanatili at maprotektahan ang seguridad at integridad ng aming mga serbisyo o imprastraktura; upang maprotektahan ang aming sarili at aming mga serbisyo laban sa mga mapanlinlang, mapang-abuso, o labag sa batas na paggamit; upang makapag-imbestiga at maipagtanggol ang aming sarili laban sa mga paratang o alegasyon ng third party; o upang matulungan ang mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng batas.

5. Saan kami nag-iimbak ng personal na datos?

Maaari naming iimbak ang iyong personal na datos sa mga sentro ng datos sa Estados Unidos, sa mga cloud storage solution, o sa mga nasasakupan ng mga entidad ng Simbahan. Upang matiyak na sapat ang pangangalaga sa mga datos na ipinapasa namin sa ibang hurisdiksyon, gumawa kami ng kasunduan sa pagpapasa at pagpoproseso ng datos sa pagitan ng bawat entidad ng Simbahan at ng kanilang mga service provider, at kabilang sa mga kasunduang ito ang Standard Contractual Clauses na inaprubahan ng European Commission alinsunod sa batas ng EU (na maaari mong suriin kung makikipag-ugnayan ka sa amin tulad ng iminumungkahi sa katapusan ng Pabatid na ito).

6. Paano kami kumukuha ng personal na datos?

Gumagamit kami ng mga teknikal at organisasyonal na pamamaraan upang mapangalagaan ang mga personal na datos na natatanggap namin laban sa pagkawala, maling paggamit, at di-awtorisadong pag-iiba at upang mapangalagaan ang pagiging kumpidensyal nito. Regular naming sinusuri ang aming mga alituntunin sa seguridad at pinag-aaralan namin ang mga angkop na bagong teknolohiyang panseguridad at pamamaraan. Gumagamit din kami ng kasalukuyang teknolohiya sa encryption upang ma-encrypt ang pagpapadala ng datos sa aming mga log-in page. Gayunman, dahil hindi namin lubos na maipapangako ang seguridad ng mga teknolohiyang ito sa encryption, mangyaring mag-ingat sa pagsusumite ng personal na datos online.

7. Gaano katagal nananatili sa amin ang personal na datos?

Iniimbak namin ang nakalap na personal na datos, kabilang na ang impormasyong nakuha gamit ang mga mobile application at iba pang mga isinumite, sa loob ng sapat na panahon upang matupad ang mga layunin sa pagpoproseso na binanggit sa itaas. Pagkatapos ay ilalagay namin ito sa archive sa loob ng kinakailangang panahon o ayon sa hinihingi ng batas o mga legal na konsiderasyon. Kapag hindi na kailangang ilagay sa archive, binubura namin ang mga personal na datos sa aming mga talaan, maliban lamang sa mga piling makasaysayang profile information, pangkalahatang tala sa genealogy, at personal na impormasyong iniimbak bilang bahagi ng permanenteng talaan sa genealogy, pagiging miyembro, o rekord sa kasaysayan ng Simbahan.

8. Paano mo maa-access at maiwawasto ang iyong personal na datos?

Sinisikap naming mapanatiling tumpak ang personal na datos at inaasahan naming titiyakin mong kumpleto at tumpak ang iyong personal na datos. Maaari kang humingi ng access sa iyong personal na datos at siyasatin, iwasto, o ayusin (kabilang ang pag-update sa mga) ito, at i-block ang iyong personal na datos sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa partikular na website, gamit ang iyong profile, o gamit ang iyong Church Account, kung angkop.

Kung ikaw ay miyembro ng Simbahan, ang ilan sa iyong personal na datos ay maaari lamang mabago kung may babaguhin ka sa membership record mo sa Simbahan. Ang mga pagbabagong iyon ay magagawa lamang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa clerk sa iyong unit ng Simbahan at paghiling sa pagbabagong iyon.

Maaari kang makipag-ugnayan sa amin upang magamit mo ang karagdagang karapatang itinakda ng batas tulad ng data portability, pagtutol alinsunod sa kaukulang mga batas, pagbabawal sa pagpoproseso, at pagbubura ng iyong personal na datos. May karapatan ka ring maghain ng reklamo sa isang awtoridad na nangangasiwa.

Kung makararanas ka ng mga problema sa pagbabago o pagpapalit ng iyong personal na datos, maaari kang makipag-ugnayan sa amin tulad ng iminumungkahi sa katapusan ng Pabatid na ito.

9. Mga petsa ng pagpapatupad at mga pagbabago.

Ang Pabatid na ito ay ipatutupad simula sa Abril 6, 2021 at maaaring baguhin paminsan-minsan.

10. Makipag-ugnayan sa amin.

Ang mga tanong tungkol sa Pabatid na ito o sa seguridad ng personal na datos na ipinoproseso namin ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng aming website, fax, o koreo:

Web:              www.ChurchofJesusChrist.org/DataPrivacy
Fax:                +1-801-240-1187
Address:        Data Privacy Office
                        50 East North Temple Street
                        Salt Lake City, UT 84150-0005
                        USA