Mga Banal ng Diyos, Gising!

 


Mga Titik

  1. 1. Mga Banal ng Diyos, gising!

    At sa Kanya manalangin

    Nang mapalaya ang Sion

    At maiadya sa tukso,

    At maiadya sa tukso.

  2. 2. Maganib man ang kalaban,

    Tanikala’y matibay man,

    Ang Diyos ni Jacob ay gising,

    At pagganti N’ya’y darating,

    At pagganti N’ya’y darating.

  3. 3. Sa pananalig na lubos,

    Pagpapakumbabang taos,

    Sa diwa’t pusong may tapang,

    Layunin N’ya’y paghandaan,

    Layunin N’ya’y paghandaan.

  4. 4. Gayahin ang Ama’t Anak,

    Bawat Banal, magkaisa.

    Kundi’y sabi ng Diyos sa ’tin,

    “Kayo ay hindi sa akin,

    Kayo ay hindi sa akin!”

Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887

Himig: Evan Stephens, 1854–1930