Adhikain Ninyo’y Ituloy

 


Mga Titik

  1. 1. — ’Singtibay ng kabundukan,

    May paninindigan,

    Sa itinatag na saligan

    Dito sa ating bayan;

    Saligang dangal, kabutihan

    At pananampalataya,

    Sa Diyos na dinadakila

    Dito sa ’ting lupa.

  2. [Chorus]

    Ang disyerto’y umaawit:

    Adhikain ninyo’y ituloy!

    Sa bundok man ay rinig din:

    Adhikain ninyo’y ituloy!

    Bandila’y ating tangan,

    Sa umaga’y susulong.

    O kabataang pangako,

    Adhikain ninyo’y ituloy!

  3. 2. Kan’lang simulai’y buhayin

    Para sa ’ting Hari.

    Sa Kanya ay ating dadalhin

    Mga awit papuri.

    Ang pamanang sa ati’y iniwan,

    ’Di ginto o kayamanan,

    Sa halip ay isang biyaya:

    Ligayang walang hanggan.

Titik: Ruth May Fox, 1853–1958. © 1948 IRI

Himig: Alfred M. Durham, 1872–1957. © 1948 IRI