Mangagsilapit sa Kanya

 


Mga Titik

  1. 1. Nilalakbay ko ang gabi,

    Kapag ako’y nag-iisa,

    At sa ilalim ng bituin,

    Ang Diyos aking nadarama.

    Ako’y sasamo’t luluhod,

    At sa ’king puso’y may tugon.

    Pasanin ko’y nawawala,

    At ang puso’y sumisigla.

  2. 2. Sa t’wing ako’y mayro’ng asam

    At sa Kanya’y sumasamo

    Kasaguta’y ’di mamasdan,

    Ngunit batid sa ’king puso.

    Bisig man N’ya’y ’di madama

    Sa pagsalanta ng unos,

    Ako’y ligtas kung sa Kanya

    Ay mananalig nang lubos.

  3. 3. Anupaman ang suungin,

    O ang magbanta sa akin,

    Ako’y Kanyang ’nililigtas,

    S’ya ang tanggulan kong angkin.

    Sa Kanya ay magsilapit,

    Kayong mga naninimdim,

    Kayong hanap ay pahinga,

    Mangagsilapit sa Kanya!

Titik: Theodore E. Curtis, 1872–1957

Himig: Hugh W. Dougall, 1872–1963