Halina, Mga Nalulumbay

 


Mga Titik

  1. 1. Mga nalulumbay, magsipaglapit;

    Sa Diyos ay dumulog at magpugay.

    Dito inyong dalhin ang dalamhati;

    Langit ay lunas sa bawat lumbay.

  2. 2. Ligaya’t pag-asa ng may pasakit,

    Liwanag sa mga naliligaw.

    Espiritu’y dinggin, na nagsasabi,

    “Langit ay lunas sa bawat panglaw.”

  3. 3. Si Cristo ay masdan, alay ay buhay,

    Sa langit nagmula, sa Diyos Ama.

    Halina at damhin, pagsintang alay,

    Langit ay lunas sa bawat dusa.

Titik: Thomas Moore, 1779–1852, bin. Thomas Hastings, 1784–1872

Himig: Samuel Webbe, 1740–1816