O Pananalig ng Ating Lahi

 


Mga Titik

  1. 1. O pananalig ng ating lahi,

    Sa t’wina ay na nanatili.

    Magdusa man kami’y maligaya,

    T’wing diringgin, Kanyang salita.

  2. [Chorus]

    O pananalig na wagas,

    Kami’y tapat hanggang wakas!

  3. 2. O pananalig ng ating lahi,

    Sa bawat baya’y ilalapit;

    Katotohanang sa Diyos nagmula

    Ang sa tao’y magpapalaya.

  4. 3. O pananalig ng ating lahi,

    Bawat tao ay mamahalin,

    At sa lahat ay ipapabatid,

    Sa salita’t gawang matuwid.

Titik: Frederick W. Faber, 1814–1863

Himig: Henri F. Hemy, 1818–1888; koro, James G. Walton, 1821–1905