Ama, Kami’y Nananalig

 


Mga Titik

  1. 1. Ama, kami’y nananalig

    Sa Inyong pangako.

    Salita N’yo’y tanggapin namin

    Sa isip at puso.

  2. 2. Kami ngayo’y nagsisisi

    Sa ’ming mga sala,

    At amin nang pipiliin

    Ang landas na tama.

  3. 3. O Diyos, dalangin po’y dinggin,

    Magpatawad sana;

    Bagong buhay ay igawad

    Maging sa may sala.

  4. 4. Sakramento’y aming tanggap

    Sa ngalan ni Cristo,

    Nang sa tipan ay makamit,

    Espiritu Santo.

  5. 5. Sa tubig ay ililibing

    Sa ngalan ni Cristo;

    At pagbangon, aming dama,

    Espiritu Santo.

  6. 6. O binyagan kami nitong

    Espiritu Santo,

    Upang makapiling sila

    Na naligtas Ninyo.

Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857. bin.

Himig: Jane Romney Crawford, 1883–1956