Diyos ang Gabay

 


Mga Titik

  1. 1. Sa langit, ating dalangin:

    Diyos ang gabay;

    Layuning dakila’y atin:

    Diyos ang gabay.

    Kabutiha’y nakatala,

    Tagumpay ang s’yang biyaya:

    Diyos ang gabay,

    Diyos ang gabay.

  2. 2. Ulitin, ating pagsamo:

    Diyos ang gabay;

    Masawi ma’y ’di susuko:

    Diyos ang gabay.

    Tulad ng mga mabuti,

    Mabigo ma’y mal’walhati:

    Diyos ang gabay,

    Diyos ang gabay.

  3. 3. Matatag at matiisin:

    Diyos ang gabay;

    Panganib ay susuungin:

    Diyos ang gabay.

    Pagsubok, ’di alintana,

    Langit ang matatamasa:

    Diyos ang gabay,

    Diyos ang gabay.

Titik: William E. Hickson, 1803–1870

Himig: Ernst Moritz Arndt, 1796–1860