Ako’y May Gawain Pa

 


Mga Titik

  1. 1. Ako’y may gawain pa,

    Habang may araw,

    Sa akin at sa kapwa,

    Habang may araw.

    Bawat wikang ’di mabuti,

    Pipigiling may layunin.

    Bawat tungkuli’y tutupdin

    Habang may araw.

  2. 2. Ang wika ng pag-ibig,

    Habang may araw,

    Dapat sa ’ki’y marinig,

    Habang may araw.

    Tutulong sa may kailangan,

    Sa kapwa’y mamamagitan,

    Gagabay sa nawawalay

    Habang may araw.

  3. 3. Sa aking paglalakbay,

    Habang may araw,

    Diyos ay susunding tunay,

    Habang may araw.

    Sala ay pagsisisihan,

    Babaguhin kamalian

    Kung biyaya’y makakamtan,

    Habang may araw.

Titik: Josephine Pollard, 1834–1892

Himig: William J. Kirkpatrick, 1838–1921