Doon sa Aming Deseret

 


Mga Titik

  1. 1. Do’n sa aming Deseret, ’Sang lugar na kay ganda,

    Ang mga Banal doo’y nagkikita.

    Matapang, mapagbigay, At nagsisilbing gabay;

    Ebanghelyo ay bahagi ng buhay.

  2. [Chorus]

    Mga bata’y umaawit Tinig ay anong tamis,

    Parang anghel sa langit Na puso’y may pag-ibig,

    Kay sayang bawat isa’y nagniniig.

  3. 2. Upang buhay, magtagal Katawa’y minamahal,

    Tsa, kape at ang tabako ay bawal,

    Alak ’di pinapansin, Karne ay minsan lang din;

    Hangari’y katalinuhan at galing.

  4. 3. Bata pa’y turuan na Ng wika na kay ganda,

    Galit at kasamaan ay sugpuin;

    Dapat ay magalang din, At ang kapwa’y mahalin,

    Mabait kahit saan makarating.

  5. 4. Manalangin sa t’wina, Sa gabi at umaga,

    Nang ang Diyos ang magtanggol sa kanila,

    At sila’y turuan din Na ang tama ay gawin,

    Mahalin ang Diyos at utos N’ya’y sundin.

Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887

Himig: George F. Root, 1820–1895: