Saligan ng Kaligtasan

 


Mga Titik

  1. 1. Saligan ng kaligtasan,

    Jesucristo, aming Diyos,

    Ang Inyong bandila’y aming

    ’Winagayway nang lubos.

  2. [Chorus]

    Magtipon, O kabataan,

    May pag-asa ang laban.

    Bawa’t araw palapit sa

    Mithing katotohanan.

  3. 2. Kami ay nasa digmaan

    Laban sa kasalanan.

    O Panginoon, tulungang

    Magwagi’y kabutihan.

  4. 3. Sulong, sulong, ang awitin,

    May tatag bawat hakbang.

    Bawat digmaa’y may giting,

    Pagsisikap ang laan.

  5. 4. Pagkalipas ng digmaan,

    At kamit na’ng tagumpay,

    ’Pag ang dusa’y nalunasan,

    Gawai’y nagampanan.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: William Clayson, 1840–1887