Kay Tayog na Bundok

 


Mga Titik

  1. 1. Kay tayog na bundok kung s’an nakaluklok

    Tanggulan ng malayang lipi.

    Hangin doo’y kay linis, gayundin ang batis,

    Nais ko’y dito manatili.

    O Sion, tahanan ng malaya.

    Tahanan kong giliw akin nang marating

    Ang bukal ng bawat pagasa.

  2. 2. Ang magigiting man, ika’y kasuklaman,

    Mahal ka ng hamak at mat’wid.

    Hambog ma’y mangapi, buktot ay manlait,

    Hangad nami’y balitang hatid.

    O Sion, tahanan ng malaya.

    Iyo mang puntahan langit mong tahanan,

    Lungkot mo at ligaya’y dama.

  3. 3. Do’n sa kabundukan, Dioys ang ’yong sandigan,

    Pangamba’y mapapawing lubos.

    Ang pilak at ginto, gaya ng pangako,

    Dulot ay ang l’walhating puspos.

    O Sion, tahanan ng malaya.

    At ang ’yong liwanag sa t’wina’y banaag

    L’walhati’y sadyang walang hanggan.

  4. 4. Mga awit namin at papuri’y dinggin,

    Tahanan ng propeta ng Diyos.

    Ang kaligtasan mo ay iyong matamo

    Kalayaa’y kakamting lubos.

    O Sion, tahanan ng malaya.

    Sa templo’y sasama’t ipagtatanggol ka,

    Tahana’y sa ’yong piling t’wina.

Titik: Charles W. Penrose, 1832–1925

Himig: H.S. Thompson, mga 1852