Wikang Banal ng Pag-ibig at Katotohanan

 


Mga Titik

  1. 1. Wikang banal ng pag-ibig

    At katotohanan,

    Gabay natin, mula sa Diyos,

    Tungong kalangitan.

  2. [Chorus]

    Wika ng pag-ibig

    Ng Diyos na nasa langit,

    O kay tamis na marinig,

    Ang wika ng pag-ibig.

  3. 2. Tinuran ng Apostoles

    Na’ting ’ginagalang;

    Sila sa’ti’y nagtuturo

    Ng pagmamahalan.

  4. 3. Propeta ang nagbibigay,

    Payo ng Diyos sa ’tin.

    Sala na-ti’y ’tinatatwa,

    Buti’y pinupuri.

  5. 4. Sa bawat taong hinirang

    Na nagsasalita;

    Espiritu ang s’yang gabay,

    Hatid ay biyaya

  6. 5. Tila hiyas, kumikinang,

    Puspos karunungan;

    Wikang banal ng pag-ibig,

    Sundin kailan pa man.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: Edwin F. Parry, 1850–1935