Kapayapaan ang Dulot N’yaring Ebanghelyo

 


Mga Titik

  1. 1. Kapayapaan ang dulot

    N’yaring ebanghelyo.

    Liwanag n’ya’y nagniningning

    Sa puso ng tao.

  2. 2. Mga batas na sagrado

    Ay galing sa Ama.

    Kanyang dakilang pagibig

    Dito’y nadarama.

  3. 3. Maling paniniwala at

    Hindi pananalig,

    Mapapawi kung kat’wiran

    Ang s’yang mananaig.

  4. 4. Tayo nawang S’ya’y kilala,

    Sa sala’y umiwas.

    Nang dalisayin tayo ng

    Espiritung wagas.

  5. 5. Ang lakas ng manunukso’y

    Dagling naglalaho,

    Alita’y ’di kayang kitlin,

    Ligaya ng puso.

  6. 6. Bahaging ating natanggap,

    Daragdagang lubos;

    Ang lahat ay ibabalik

    Sa ’tin ng Haring Diyos.

  7. 7. Magtiis tayo’t magsikap,

    Kay Cristo’y manalig,

    Nang kaligtasa’y makamit

    Sa Kanyang pagbalik.

Titik: Mary Ann Morton, 1826–1897

Himig: Alfred M. Durham, 1872–1957 © 1948 IRI