Mga Titik
-
1. Kapayapaan ang dulot
N’yaring ebanghelyo.
Liwanag n’ya’y nagniningning
Sa puso ng tao.
-
2. Mga batas na sagrado
Ay galing sa Ama.
Kanyang dakilang pagibig
Dito’y nadarama.
-
3. Maling paniniwala at
Hindi pananalig,
Mapapawi kung kat’wiran
Ang s’yang mananaig.
-
4. Tayo nawang S’ya’y kilala,
Sa sala’y umiwas.
Nang dalisayin tayo ng
Espiritung wagas.
-
5. Ang lakas ng manunukso’y
Dagling naglalaho,
Alita’y ’di kayang kitlin,
Ligaya ng puso.
-
6. Bahaging ating natanggap,
Daragdagang lubos;
Ang lahat ay ibabalik
Sa ’tin ng Haring Diyos.
-
7. Magtiis tayo’t magsikap,
Kay Cristo’y manalig,
Nang kaligtasa’y makamit
Sa Kanyang pagbalik.
Titik: Mary Ann Morton, 1826–1897
Himig: Alfred M. Durham, 1872–1957 © 1948 IRI
- Aklat
- Himnaryo
- Himno Bilang
- 13
- Musika
- Alfred M. Durham, 1872–1957 © 1948 IRI
- Teksto
- Mary Ann Morton.
- Mga Banal na Kasulatan
- Awit 119:165, Awit 119:97–104
- Metro
- 8 6 8 6
- CM (Common Meter)
- Paksa
- Diyos Ama, Habag, Kalinisang-Puri, Kapayapaan, Karunungan at Kaalaman, Katiyakan
- Himig
- Cache
- Mga Wika