Ang Araw ay Sumisikat

 


Mga Titik

  1. 1. Araw, sumisikat, mundo’y gumigising,

    Ulap ng kadilima’y napaparam.

    Sa bawat ibayo, mundo’y maligaya,

    Sinasalubong, araw na kayganda.

  2. [Chorus]

    O araw na maginhawa,

    Pagsikat mo’ng aming nasa.

    Purihin ang liwanag mo,

    O umaga ng milenyo.

  3. 2. Mga banal ay magtitipon sa templo

    Upang iligtas ang mga yumao.

    Maligayang mga kaibiga’y makita’t

    Makapiling sa araw na kayganda.

  4. 3. Laging isabuhay ang aral na tunay,

    Laan ng Diyos para sa ’ting paglakbay.

    At O kayligaya! Ating makikita

    Si Cristong Diyos sa araw na kayganda.

  5. 4. Ating samahan ay banal at dalisay,

    At sa piling ni Cristo’y mamumuhay.

    Hanggang bawat bayan ay ating kasamang

    Magpupuri sa araw na kayganda.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: William Clayson, 1840–1887