Ang Bakal na Gabay

 


Mga Titik

  1. 1. Kay Nephi may ’pinakita

    Ang ating Diyos Ama,

    Kanyang banal na salita

    Sa bakal na gabay.

  2. [Chorus]

    Tayo’y humawak nang husto

    Sa bakal na gabay.

    Ito ay ang salita ng Diyos,

    Gabay sa ’ting buhay.

  3. 2. Habang tayo’y nabubuhay,

    Tukso’y naglipana,

    Maulap na kadiliman,

    Panganib ang dala.

  4. 3. At kung tukso’y nakaabang,

    Landas ay kay dilim,

    Gabay na bakal, asahan,

    Sa Diyos manalangin.

  5. 4. Araw-araw na susundan

    Ang bakal na gabay,

    May awit at panalangin,

    Tayong maglalakbay.

  6. 5. Patutunguhan ay tanaw,

    Bakal ang s’yang gabay;

    Sa langit magpakailanman,

    Ay mananahanan.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: William Clayson, 1840–1887