Ama, Kayo ang Susundin

 


Mga Titik

  1. 1. Noon, sa may kalangitan,

    Si Cristo ay inatasan

    Upang mundo ay sagipin;

    “Ama, Kayo ang susundin.”

  2. 2. S’yang Hari ng mga Hari,

    Langit, iniwan N’yang dagli.

    Dito’y naging masunurin,

    “Ama, Kayo ang susundin.”

  3. 3. Korona mang tinik, o krus,

    Lahat binata ni Jesus.

    Sariling nais ’di pansin,

    “Ama, Kayo ang susundin.”

  4. 4. Tubig, tinapay ay tanggap

    Nang maalala S’yang ganap.

    Nang tulad N’ya’y idalangin:

    “Ama, Kayo ang susundin.”

Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI

Himig: Robert P. Manookin, 1918–1997. © 1985 IRI