Awit ang Papuri sa Pag-ibig

 


Mga Titik

  1. 1. Awit ang papuri sa pag-ibig

    Ni Cristo na nilisan ang langit.

    Ayon sa plano, mundo’y tinungo

    At nagdusa para sa tao.

  2. 2. Kay-inam magkita t’wing pangilin,

    At sa paraang ’tinakda sa ’tin,

    Mga sagisag N’ya ay tanggapin,

    Pananalig ay pagtibayin.

  3. 3. O sagradong oras ng pag-ibig!

    Ang magkakaibigan, magniniig.

    Kanyang biyaya’y ginugunita,

    Sa papuri’y nagkakaisa.

  4. 4. Pagkat si Cristo, d’on sa Kalbaryo,

    Pumanaw upang tubusin tayo.

    Hosana’y awitin sa ngalan N’ya,

    Purihin ang Kanyang pagsinta.

Titik: George Manwaring, 1854–1889

Himig: Frank W. Asper, 1892–1973. © 1948 IRI