Ipinakita sa paglilingkod ng Tagapagligtas ang dalawang dakilang utos: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo” at “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37, 39). Kapag pinaglilingkuran natin ang ating kapwa, ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos: “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17).
Welcome sa Mga Service Mission
Service Missions: Elder Quade’s Story
Service Missionary Handbook
Ang Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission ay ang mission handbook na ibinibigay sa lahat ng nakababata pang service missionary. Ang hanbuk ay nagbibigay ng payo at patnubay tungkol sa mga paksang tulad ng katapatan sa paglilingkod sa Panginoon, personal na pag-uugali, at pang-araw-araw na iskedyul. Bago nila simulan ang service mission, dapat rebyuhing mabuti ng mga missionary ang hanbuk kasama ng kanilang mga magulang at stake president.
Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary
Ang service mission ay maaaring maging kapwa masaya at mahirap. Ang kasipagan at paglilingkod ay subok na mga kasangkapan sa pagharap sa pag-aalala, kawalan ng pag-asa, at kapaguran. Mahalaga ang mga ito sa sinumang kasali sa gawain ng Panginoon, kapwa sa panahon ng paglilingkod at pagkatapos maglingkod ang missionary. Ngunit hindi lamang kasipagan at paglilingkod ang iyong mga kasangkapan. Ang iba pang resources ay mga tulong mula sa mga propesyonal, basbas ng priesthood, payo mula sa mga adult na marami nang karanasan, at sa Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary: Resource Booklet. Tutulungan ka ng Panginoon na magkaroon ng mga kasanayan at pag-uugali na tutulong sa iyo na magtagumpay habang ikaw ay naglilingkod at nagmiminister sa iba.
Mga Karaniwang Tanong
Tumutulong ang mga magulang na tukuyin ang mga interes, kakayahan, at talento ng prospective service missionary. Nagbibigay sila ng pananaw at ideya sa mga priesthood leader at sa mga service mission leader kung paano epektibong makapaglilingkod ang service missionary. Ang mga magulang ay nagbibigay din ng impormasyon upang matukoy kung aling mga oportunidad sa paglilingkod ang pinakamainam para sa missionary. Nangangako sila na magbibigay ng suportang kailangan sa misyon, tulad ng pag-follow-up sa mga aktibidad sa bawat araw, pagbibigay ng transportasyon kung kinakailangan, pagbabayad sa mga gastusing medikal at transportasyon kung kinakailangan, at pagbibigay ng mapagmahal na suporta.
Ang mga kabataang lalaki at babae na may hangaring magmisyon at karapat-dapat na gawin ito ay sasagutan ang isang online recommendation na ipinoproseso ng stake president. Batay sa impormasyong ibinigay sa aplikasyon, kabilang ang pagsusuri ng bishop, stake president, at mga propesyonal sa larangan ng medisina, maaaring gawin ang isang service missionary assignment. Ang Korum ng Labindalawa at mga General Authority Seventy ang sumusubaybay sa proseso ng pagrerekomenda sa misyon, at isang mission call ang ibinibigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta.
Hindi. Lahat ng aplikante ay isasaalang-alang para sa mga teaching mission. Ang mga kabataang lalaki at babae na pinakaangkop ang sitwasyon para sa service mission ay tatawagin bilang mga service missionary. Kung ang isang aplikante ay tinawag bilang service missionary, ang tawag ay mula sa propeta, at ang paglilingkod ay iniaakma sa natatanging mga talento, kasanayan, at kaloob ng aplikante at sa lokal na kapaligiran.
Ang mga kabataang lalaki at babae na ang mga talento at sitwasyon ay pinakaangkop sa service mission ay tinatawag na maging mga service missionary. Ang pagsusuri na ito ay ginagawa sa proseso ng pagrekomenda sa missionary o pagkatapos maglingkod ng isang indibiduwal sa isang teaching mission at umuwi bago ang inaasahang petsa ng pagtatapos ng misyon. Ang isang service missionary ay tinatawag ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta para maglingkod sa isang lugar na iniakma sa kanyang mga talento, kasanayan, at kaloob.
Matapos matawag ang isang lalaki o babae na maglingkod bilang service missionary, isang customized mission na tumutugma sa mga talento, kasanayan, at kaloob ng missionary ang ginagawa ng mga service mission leader sa ilalim ng pamamahala ng mission president. Tumutulong din ang missionary at ang kanyang mga magulang. Ang mga assignment ay maaaring magbago habang nasa misyon.
Ang mga service missionary ay naglilingkod sa mga inaprubahang organisasyon ng kawanggawa at mga ahensiya ng gobyerno (tulad ng mga food bank, serbisyo sa refugee, bahay-kalinga, paaralan), mga operasyon ng Simbahan (tulad ng mga storehouse, cannery, templo, seminary, at institute), o sa mga gawain mula sa mga lokal na lider ng Simbahan.
Ang mga service missionary ay titira sa bahay nila at maglilingkod sa kanilang lugar. Sa ilang bihirang pagkakataon, ang mga service missionary ay maaaring makatanggap ng pahintulot na maglingkod nang malayo sa tahanan at manirahan kasama ng mga kamag-anak. Walang pagkakataong titira nang mag-isa ang mga service missionary.
Ang mga service missionary ay palaging nagsusuot ng service missionary name badge sa kanilang mga paglilingkod at teaching assignment, sa mga mission meeting, at sa mga miting ng Simbahan tuwing Linggo. Maaari din nilang isuot ang name badge sa ibang mga pagkakataon.
Hindi. Ang pakikipagdeyt ay hindi pinapayagan para sa mga service missionary habang nasa kanilang misyon. Ang mga service missionary ay maaaring makibahagi sa mga aktibidad ng ward, stake, at young single adult.
Ang mga service missionary at kanilang mga pamilya ang responsable sa mga gastusin na nauugnay sa paglilingkod ng missionary. Kabilang, ngunit hindi limitado, sa mga gastusing ito ang transportasyon, pagkain, damit, medikal, dental, at insurance ng sasakyan. Ang mga service missionary ang responsable sa transportasyon papunta at pabalik sa mga lokasyon na kanilang pinaglilingkuran. Ang mga service missionary ay hindi tumatanggap ng suportang pinansiyal mula sa General Missionary Fund.
Bagama’t walang kompanyon ang mga service missionary tulad ng mga teaching missionary, maaaring magbigay ng kompanyon ang mga service mission leader para sa pag-aaral ng ebanghelyo at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa misyon. Ang kanilang kaligtasan at kapakanan ang pinakamahalagang priyoridad. Tinitiyak ng mga service mission leader at magulang na may angkop na suporta, pagbabantay, at proteksyon sa oras ng paglilingkod ng isang service missionary sa araw-araw.
Oo. Binibigyan ng mission president at mga service mission leader ng angkop na mga oportunidad sa pag-unlad sa pamumuno ang mga missionary bilang bahagi ng kanilang karanasan sa mission. Ang mga tungkulin sa pamumuno ay maaaring ibigay kapwa sa mga sister at mga elder.
Oo. Itinatala ito tulad ng teaching mission.
Hindi. Ang service missionary ay dapat magsimulang magtrabaho o kumuha ng mas mataas na edukasyon o kasanayan.
Mangyaring tingnan ang bahaging Early-Return Reassignment sa page na Customized na Karanasan.
Maaaring i-reassign ang missionary na maglingkod sa loob ng panahon na sapat para makumpleto ang natitira sa 18 o 24 na buwang paglilingkod.
Ang kaligtasan ay mahalagang priyoridad para sa kapakanan ng missionary, ng Simbahan, at ng mga organisasyong pangkawanggawa sa komunidad. Lahat ng gagawin sa mga organisasyong pangkawanggawa at iba pang mga gawain sa komunidad ay nangangailangan ng nakasulat na kasunduan na nagpoprotekta sa kapakanan ng missionary at ng Simbahan. Dapat itong isagawa sa pamamagitan ng Missionary Department at Service Mission Office. Ang ilang uri ng aktibidad ay ipinagbabawal o nililimitahan dahil maaari nitong ilagay sa panganib ang mga indibiduwal at organisasyon. Hindi maaaring gawin ng mga service missionary ang sumusunod na mga aktibidad sa anumang sitwasyon:
Makipag-ugnayan nang walang ibang kasama sa mga bata o sa mga adult na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili
Magpaligo, mag-alaga ng bata, o magbigay ng iba pang katulad na personal na paglilingkod
Magpaandar ng makinarya, kagamitan, o sasakyan nang walang wastong pagsasanay o sertipikasyon
Ang iba pang delikadong paglilingkod na ginagawa ng mga service missionary sa mga organisasyon sa komunidad ay maingat na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng mga kasunduan. Ang mga katulad na delikadong paglilingkod sa mga operasyon ng Simbahan at sa mga lokasyong itinalaga ng stake ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng patakaran at training. Kabilang sa delikadong mga aktibidad na ito ang:
Pagtuturo sa mga group setting.
Paghawak o pagtatabi ng anumang cash, security, o iba pang mahahalagang bagay.
Pagbibigay ng propesyonal na opinyon.
Pagpapaandar ng makinarya, kagamitan, o sasakyan nang walang wastong pagsasanay o sertipikasyon.
Ang mga service missionary ay nagsasalita sa sacrament meeting bago at pagkatapos ng kanilang misyon, tumatanggap ng parehong pagkilala tulad ng mga teaching missionary (mga mission plaque, bulletin, newsletter, at iba pa), at nagre-report sa high council kapag natapos na ang kanilang mga misyon.
Buod
Magandang karagdagan ang mga service mission sa mga teaching mission dahil sa pamamagitan nito, nadarama ng ibang tao ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila dahil sa paglilingkod na natatanggap nila. Ngayon higit kailanman, ang mga kabataang babae at lalaki na may hangaring maglingkod ay mabibigyan ng pagkakataong isulong ang gawain ng Panginoon bilang mga missionary. Magiging malaking pagpapala ito sa mga missionary, sa kanilang pamilya, at sa mga pinaglilingkuran nila.