Ang mga service mission ay nagbibigay ng makabuluhang mga karanasan na maglalapit sa mga tao kay Cristo. Pinagpapala ng mga service mission ang mga missionary, kanilang pamilya, ang Simbahan, at ang mga organisasyon kung saan sila naglilingkod. Ang bawat service mission ay naglalayong gamitin ang mga talento at kakayahan ng indibiduwal at tumulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa.
Ang sumusunod na mga materyal ay maaaring gamitin ng mga lider para mas malaman ito ng mga miyembro sa loob ng kanilang mga unit.
Mga Service Mission - Paglilingkod sa Kapwa Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas
I-download: Maliit (360p), Katamtaman (720p), Malaki (1080p)
Ang Service Mission ay Isang Tawag mula sa Propeta na Maglingkod I-download: Maliit (360p), Katamtaman (720p), Malaki (1080p)
Ang mga priesthood leader ay maaaring magkaroon ng positibo at patuloy na impluwensya sa buhay ng mga missionary candidate, magulang, at miyembro ng ward habang itinuturo nila ang mahahalagang alituntuning ito:
Ang mga lokal na lider ay dapat:
Lahat ng kabataang lalaki at babae na may hangaring magmisyon at karapat-dapat na gawin ito ay sasagutan ang isang online recommendation na ipinoproseso ng bishop at stake president. Batay sa impormasyong nakapaloob sa aplikasyon, kabilang ang ebalwasyon ng bishop, stake president, at mga propesyunal sa larangan ng medisina, maaaring gawin ang isang service missionary assignment. Ang Korum ng Labindalawa at mga General Authority Seventy ang sumusubaybay sa proseso ng pagrerekomenda sa misyon, at ang mission call ay ibinibigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta.
Hindi pinipili ng missionary candidate kung sa anong uri ng mission siya maglilingkod. Lahat ng aplikante ay isasaalang-alang para sa mga teaching mission. Ang mga kabataang lalaki at babae na ang kalagayan ay pinakaangkop sa mga service mission ay tinatawag na mga service missionary. Kung ang isang aplikante ay tinawag na maging service missionary, ang paglilingkod niya ay iaakma sa kanyang natatanging mga talento, kasanayan, at kaloob at sa lokal na kapaligiran.
Ang mga service missionary ay naglilingkod sa mga inaprubahang organisasyong pangkawanggawa sa komunidad at mga ahensiya ng gobyerno (tulad ng mga food bank, paglilingkod sa mga refugee, bahay-kalinga o paaralan), mga operasyon ng Simbahan (tulad ng mga storehouse, cannery, templo, o mga seminary at institute), o sa mga assignment mula sa kanilang mga stake president o bishop. Ang JustServe.org ay maaaring makatulong sa pagtukoy sa mga kawanggawang paglilingkod.
Ang mga service missionary na naninirahan sa malalayong lugar ay maaaring mas maglingkod sa iba’t ibang organisasyong pangkawanggawa sa komunidad at sa mga gawaing itinalaga ng stake, tulad sa mga ospital at lokal na paglilingkod.
Matapos tawagin ang isang kabataang lalaki o babae na maglingkod bilang service missionary, ang mga service mission leader ay makikipagpulong sa missionary at sa kanyang pamilya para gumawa ng customized mission para umangkop sa mga talento at kakayahan ng missionary. Ang mga assignment ay maaaring magbago habang nasa misyon.
Ang mga service missionary ay titira sa bahay nila at maglilingkod sa kanilang lugar. Sa ilang bihirang pagkakataon, ang mga service missionary ay maaaring makatanggap ng pahintulot na maglingkod nang malayo sa tahanan at manirahan kasama ng mga kamag-anak. Ang partikular na mga pagsasaayos ay dapat isagawa sa pakikipagsanggunian sa stake president, sa mga magulang ng missionary, at sa Service Mission Office. Kung ang service missionary ay titira sa mga kamag-anak sa ibang stake, ang membership record ay ililipat, at ang stake president ng mga kamag-anak ang magkakaroon ng espirituwal na responsibilidad para sa service missionary. Walang pagkakataong titira nang mag-isa ang mga service missionary.
Ang mga service missionary ay palaging nagsusuot ng service missionary name badge sa kanilang teaching assignment, sa mga miting sa mission, at sa mga miting ng Simbahan tuwing Linggo. Maaari din nilang isuot ang name badge sa ibang mga pagkakataon.
Hindi. Ang pakikipagdeyt ay hindi pinapayagan para sa mga service missionary habang nasa kanilang misyon. Ang mga service missionary ay maaaring makibahagi sa mga aktibidad ng ward, stake, at young single adult.
Ang mga service missionary at kanilang mga pamilya ang responsable sa mga gastusin na nauugnay sa paglilingkod ng missionary. Kabilang, ngunit hindi limitado, sa mga gastusing ito ang transportasyon, pagkain, damit, medikal, dental, at insurance ng sasakyan. Ang mga service missionary ang responsable sa transportasyon papunta at pabalik sa mga lokasyon na kanilang pinaglilingkuran. Ang mga service missionary ay hindi tumatanggap ng suportang pinansiyal mula sa General Missionary Fund.
Bagama’t walang kompanyon ang mga service missionary tulad ng mga teaching missionary, maaaring magbigay ng kompanyon ang mga service mission leader para sa pag-aaral ng ebanghelyo at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa misyon. Ang kanilang kaligtasan at kapakanan ang pinakamahalagang priyoridad. Tinitiyak ng mga service mission leader at magulang na may angkop na suporta, pagbabantay, at proteksyon sa oras ng paglilingkod ng isang service missionary sa araw-araw.
Oo. Binibigyan ng mga service mission leader ng angkop na mga oportunidad sa paghusay sa pamumuno ang mga missionary bilang bahagi ng kanilang karanasan sa misyon. Ang mga tungkulin sa pamumuno ay maaaring ibigay sa mga sister at mga elder.
Oo. Itinatala ito tulad ng teaching mission.
Kung nakatitiyak ang stake president na hindi kayang maglingkod ng isang lalaki o babae sa isang teaching o service mission, maaari niyang sabihin na hindi na nito kailangang maglingkod. Gayunpaman, hindi stake president ang nagpapasiya kung ang isang aplikante ay maglilingkod sa isang teaching mission o sa service mission. Patuloy na maglalagay ng impormasyon ang mga stake president sa online recommendation form para matawag ang mga batang adult na lalaki o babae bilang mga teaching missionary o service missionary.
Hindi. Gayunpaman, karamihan sa mga lalaking service missionary ay mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Kung nadarama ng mga priesthood leader na ang isang lalaki ay hindi pa handang magkaroon ng Melchizedek Priesthood, dapat Aaronic Priesthood ang taglayin nito.
Ang mga service missionary ay dapat na karapat-dapat sa templo. Sa pangkalahatan, dapat matanggap ng mga service missionary ang kanilang endowment. Gayunpaman, ang mga bishop at stake president ay nakikipag-usap sa mga service missionary upang malaman kung handa na sila at may kakayahang tanggapin ang endowment.
Oo. Ang mga service missionary ay inaatasang maglingkod sa ilalim ng pamamahala ng mission president sa mission kung saan sila nakatira. Ang mga service mission leader, sa ilalim ng pamamahala ng mission president, ay nagbibigay ng pang-araw-araw na patnubay at suporta sa mga service missionary. Nakikipagtulungan din sila sa stake president ng bawat service missionary, na mayhawak ng eklesiyastikal na mga susi para sa missionary.
Ang stake president ang eklesiyastikal na lider ng service missionary at tumutugon sa nahuling pagtatapat at mabibigat na kasalanan ayon sa patnubay ng Espiritu Santo, tulad ng gagawin niya sa sinumang miyembro ng kanyang stake. Kung hindi siya sigurado kung ano ang gagawin, maaari siyang sumangguni sa kanyang mga counselor, sa Area Seventy na namumuno sa kanyang coordinating council, o isang miyembro ng Area Presidency. Kung ang proseso ng pagsisisi ay maaaring kumpletuhin habang naglilingkod bilang service missionary, maaaring ipagpatuloy ng service missionary ang kanyang service mission. Kung pormal na pagdisiplina sa Simbahan ang ginawa, ang service missionary ay dapat i-release, at dapat ipaalam ito sa Missionary Department sa headquarters ng Simbahan.
Kung nalaman ng isang service mission leader o external operations manager ang tungkol sa nahuling pagtatapat o anumang pagkakasala, ang service missionary ay dapat agad na papuntahin sa kanyang stake president.
Ang service missionary na ini-release bago makumpleto ang service mission dahil sa mga dahilan ng pagkamarapat ay karaniwang hindi na muling ibinabalik. Sa bihirang mga sitwasyon, ang mga indibiduwal na nagnanais na bumalik bilang service missionary matapos ma-release nang maaga dahil sa isyu ukol sa pagkamarapat ay dapat makipagtulungan sa kanyang stake president. Kung nadama ng stake president na dapat isaalang-alang ang eksepsiyon, maaari siyang magsumite ng kahilingan sa Missionary Department. Ang mga reinstatement request na ito ay nirerebyu ng mga General Authority na nakatalaga sa Missionary Department.
Matapos ma-assign sa isang service mission, ang service missionary ay karaniwang hindi inire-reassign para maging teaching missionary. Kung ang mga sitwasyon na nakahadlang sa paglilingkod bilang teaching missionary ay nagbago nang husto, maaaring humiling ng muling pagsasaalang-alang sa Missionary Department.
Sa ilalim ng pamamahala ng mission president, ang mga service missionary ay maaaring makipagtulungan at makibahagi sa mga assignment sa pagtuturo kasama ang mga teaching missionary. Maaari ring makipagtulungan ang mission president sa mga service missionary na lubos na nagnanais na maitalaga bilang mga teaching missionary.
Ang kaligtasan ay mahalagang prayoridad para sa mga missionary, sa Simbahan, at sa mga organisasyong pangkawanggawa sa komunidad. Lahat ng gagawin sa mga organisasyong pangkawanggawa at iba pang mga gawain sa komunidad ay nangangailangan ng nakasulat na kasunduan na nagpoprotekta sa kapakanan ng missionary at ng Simbahan. Dapat itong isagawa sa pamamagitan ng Missionary Department at Service Mission Office. Ang ilang uri ng aktibidad ay ipinagbabawal o nililimitahan dahil maaari nitong ilagay sa panganib ang mga indibiduwal at organisasyon. Hindi maaaring gawin ng mga service missionary ang sumusunod na mga uri ng mga aktibidad sa anumang sitwasyon:
Ang iba pang delikadong paglilingkod na ginagawa ng mga service missionary sa mga organisasyon sa komunidad ay maingat na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng mga kasunduan. Ang mga katulad na delikadong paglilingkod sa mga operasyon ng Simbahan at sa mga lokasyong itinalaga ng stake ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng patakaran at training. Kabilang sa delikadong mga aktibidad na ito ang:
Hindi. Ang service missionary ay dapat magsimula nang magtrabaho o kumuha ng mas mataas na edukasyon o kasanayan pagkatapos ng kanilang misyon.
Oo. Maaaring i-reassign ang missionary na maglingkod sa loob ng panahon na sapat para makumpleto ang natitira sa 18 o 24 na buwang paglilingkod.
Mangyaring tingnan ang bahaging Early-Return Reassignments sa page na Customized na Karanasan.
Ang mga teaching missionary na umuwi para sa kadahilanang medikal ay lubos na hinihikayat na lumipat kaagad sa service mission. Kapag magaling na, maaaring bumalik ang missionary sa kanyang orihinal na assigned teaching mission.
Kung ang isang teaching missionary ay maagang umuwi mula sa kanyang misyon at na-reassign siya sa isang service mission, hindi na siya kailangang i-set apart muli. Gayunpaman, hinihikayat ang stake president na magbigay ng basbas ng kapanatagan at pagpapayo.
Ang isang mahalagang bahagi ng mga service mission ay nakatuon sa pagbibigay sa mga service missionary ng mga pagkakataong mag-minister. Bukod pa rito, ang mga service missionary ay maaaring patuloy na magkaroon ng mga ministering assignment sa kanilang ward sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamunuan ng priesthood at Relief Society. Sa ilalim ng pamamahala ng mission president, ang mga service missionary ay maaari ring makipagtulungan at makibahagi sa mga assignment sa pagtuturo kasama ng mga teaching missionary.
Ang mga service missionary ay nagsasalita sa sacrament meeting bago at pagkatapos ng kanilang misyon, tumatanggap ng parehong pagkilala tulad ng mga teaching missionary (mga mission plaque, bulletin, newsletter, at iba pa), at nagre-report sa high council kapag natapos na ang kanilang mga misyon.
Magandang karagdagan ang mga service mission sa mga teaching mission dahil sa pamamagitan nito, nadarama ng ibang tao ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila dahil sa paglilingkod na natatanggap nila. Ngayon higit kailanman, ang mga kabataang babae at lalaki na may hangaring maglingkod ay mabibigyan ng pagkakataong isulong ang gawain ng Panginoon bilang mga missionary. Magiging malaking pagpapala ito sa mga missionary, sa kanilang pamilya, at sa mga pinaglilingkuran nila.
May iba pang mga tanong? Maaaring kontakin palagi ng mga lider ang kanilang lokal na mga service mission leader couple o tumawag sa 1-801-240-4914.