Young Church Service Missionaries

Service Missionary Candidate

Lahat tayo ay mga anak ng isang mapagmahal na Ama sa Langit. Ipinadala Niya tayo sa lupa na may iba’t ibang kakayahan at talento. Taglay ang mga kakayahang ito, bawat isa sa atin ay makapagbibigay ng makabuluhang paglilingkod upang makatulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa. Ipinahayag ng Panginoon, “Kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain” (Doktrina at mga Tipan 4:3). Lahat ng taong karapat-dapat at may hangaring maglingkod ay maaaring magkaroon ng pagkakataong matawag bilang missionary.

Gusto mo bang maglingkod sa Simbahan, sa iyong komunidad, at sa iyong pamilya? Gusto mo bang magkaroon ng mahahalagang espirituwal na karanasan bilang missionary? Maaari kang tawaging maglingkod bilang teaching missionary o bilang service missionary. Ang mga service missionary ay tinatawag ng Panginoon na maglingkod sa mga gawain sa mga operasyon ng Simbahan, sa mga inaprubahang nonprofit community organization, at sa loob ng kanilang stake.

Saan ka man magpunta at paano ka man maglilingkod, ikaw ay lubos na pagpapalain. Bilang service missionary, ikaw ay:

  • Susunod sa halimbawa ni Jesucristo.
  • Maglilingkod nang may kabuluhan.
  • Mag-aaral at mananalangin.
  • Magpapaunlad ng mga kasanayan sa buhay.

Tutulong sa pagsasagawa ng mga banal na responsibilidad sa Simbahan.

Mga Karaniwang Tanong