First Presidency 2018 Official Portraits Photography

Liham ng Unang Panguluhan para sa mga Lider

Mga Service Mission para sa mga Batang Missionary
Nobyembre 2018

Ang Service Missionary program ay maaari nang isagawa ngayon sa labas ng U.S at Canada, ayon sa tamang oras at pamamahala ng Area Presidency at sa pahintulot ng Korum ng Labindalawang Apostol. Kontakin lamang ang Area Presidency para sa karagdagang impormasyon sa inyong lugar.

Paalala: Ang mga missionary ay hindi na tinatawag sa mga two-transfer mission.

Para sa mga: General Authority; General Auxiliary Presidency; at sumusunod na mga lider sa Estados Unidos at Canada: Area Seventy; Stake, Mission, at District President; Bishop at Branch President

Minamahal Naming mga Kapatid:


Mga Service Mission para sa mga Batang Missionary (U.S. at Canada Lamang)


Ipinahayag ng Panginoon, “Kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain” (Doktrina at mga Tipan 4:3). Ang mapaglingkuran ang Panginoon bilang missionary ay isang maluwalhati at sagradong pribilehiyo na naghahatid ng walang-hanggang mga pagpapala sa indibiduwal at sa kanyang mga pinaglilingkuran.


Sa loob ng maraming taon, ang mga lalaki at babae na may hangaring magmisyon ngunit hindi ito magawa dahil sa problema sa kalusugan ay masigasig na naglilingkod sa Panginoon sa iba’t ibang organisasyon sa komunidad at Simbahan. Nagpapasalamat kami sa kanilang paglilingkod at ikinalulugod naming ipabatid ang mas maraming oportunidad para sa mga batang missionary na may problema sa kalusugan.


Simula sa Enero 2, 2019, lahat ng batang missionary candidate ay gagamit na ng missionary online recommendation process. Sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol, ang bawat prospective missionary na karapat-dapat ay makatatanggap ng tawag na pinakaakma sa kanya.


Ang pangangaral ng ebanghelyo upang tipunin ang ikinalat na Israel ang palaging magiging pangunahing layunin ng paglilingkod ng missionary, kaya tatawagin ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang mga lider, ang karamihan sa mga kabataan na hanapin, turuan, at binyagan ang mga nagbalik-loob. Ang iba pa, na hindi makapaglilingkod sa ganitong paraan, ay maaaring tawaging maglingkod sa Panginoon bilang service missionary. Bukod pa rito, ang mga missionary na umuwi nang maaga mula sa isang proselyting mission dahil sa problema sa kalusugan ay maaaring i-reassign na maglingkod sa Panginoon bilang service missionary. Nang may pagpapahalaga sa kanilang pagnanais na maglingkod, ang ibang mga missionary candidate ay maaaring sabihang hindi na nila kailangang maglingkod (honorably excused) sa anumang pormal na paglilingkod ng missionary.


Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring rebyuhin ang nakalakip na dokumentong nagbibigay ng paliwanag at mga materyal sa churchofjesuschrist.org/service-missionary.


Dalangin namin na patuloy na pagpalain ng Panginoon ang kahanga-hangang mga kabataan sa buong Simbahan na nagmamahal sa Kanya at nagnanais na maglingkod.


Taos-pusong sumasainyo, Ang Unang Panguluhan


I-download ang PDF

Kalakip sa Liham ng Unang Panguluhan para sa mga Lider

Liham para sa mga Miyembro