Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Matuto tungkol sa mahahalagang tao sa kasaysayan ng Simbahan! Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.
Hyrum Smith
1800–1844
“Tayo ay … magtiwala sa Diyos.”
The Joseph Smith Papers, Histories, vol. 1.
-
Kuya at tapat na kaibigan siya ni Joseph Smith.
-
Nagpunta siya sa ilang misyon para ituro ang ebanghelyo.
-
Minahal siya ng Panginoon at laging sinisikap na gawin ang tama (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:15).
-
Kasama siya ni Propetang Joseph Smith na pumanaw sa Piitan ng Carthage.
Sophronia Smith
1803–1876
“Unti-unti akong pagagalingin ng Panginoon.”
Lucy Mack Smith History, 1844–1845, p. 4, bk. 14, The Joseph Smith Papers.
-
Ate siya ni Joseph Smith at nakipaglaro sa kanya noong bata pa sila.
-
Tumulong siya na protektahan ang mga laminang ginto mula sa mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa kanyang kama.
-
May pananampalatayang gagaling siya noong maysakit siya.
-
Tumulong siyang magtatag ng mga samahan ng pananahi at paghahabi para sa kababaihan.