2021
Lakas-ng-Loob sa Koro
Marso 2021


Isinulat Mo

Lakas-ng-Loob sa Koro

a girl singing in choir

Noong nasa ikalawang baitang ako, nagpupunta ako sa koro kapag tanghalian ng Huwebes kasama ang mga kaibigan ko. Umaawit kami ng mga kanta, nagtanghal sa mga pagtitipon, at talagang nagkakasiyahan.

Isang araw sinimulan naming pag-aralan ang isang bagong awitin. Nang mapakinggan ko ito, narinig ko ang pangalan ng Ama sa Langit na binanggit nang walang kabuluhan. Nalungkot ako dahil dito.

Pagkatapos ng klase ay ikinuwento ko sa nanay ko ang tungkol dito. Sinabi ko sa kanya na ginamit sa walang kabuluhan ang pangalan ng Ama sa Langit sa awit. Sinabi niya na maaari kong itanong sa mga titser kung may ibang salita akong puwedeng gamitin bukod dito. Alam ko na iyon ang dapat kong gawin, pero kinakabahan ako.

Isang Huwebes nagpasiya akong sumubok. Sinabi ko sa titser ko ang nadama ko at kung gaano kaespesyal ang pangalan ng Diyos sa akin. Tinanong ko sa kanya kung maaari akong magsabi ng iba pa. Sinabi sa akin ng mga titser na maaari akong magsabi ng ibang salita sa halip na gamitin ang salitang ito. Gumanda ang pakiramdam ko, at alam kong tinulungan ako ng Ama sa Langit.

Makalipas ang ilang linggo, sinabi ng mga titser ko na aawitin ng buong koro ang ibang salita sa bahaging iyon ng awitin. Sa assembly, tumayo ako nang tuwid habang umaawit ako. Masaya ako na natulungan ko ang aking mga kaibigan at koro para hindi masambit ang pangalan ng Ama sa Langit nang walang kabuluhan.

Product Shot from March 2021 Friend Magazine

Paglalarawan ni Colleen Madden