Pumarito Ka. Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Simbahan ni Jesucristo
Para sa Doktrina at mga Tipan 20–22
-
Awitin ang “Ang Simbahan ni Jesucristo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 48).
-
Noong Abril 6, 1830, muling itinatag ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa. Maaari ninyong basahin ang kuwento sa pahina 42–44.
-
Maghanap ng isang bagay na maaari mong buuin, tulad ng mga block, mga patpat, o iba pang mga bagay. Pagkatapos ay mag-unahan sa pagtatayo ng maliit na gusali ng Simbahan mula sa mga ito.
Pangalanan ang Kantang Iyon
Para sa Doktrina at mga Tipan 23–26
-
Awitin ang “Umawit Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 124).
-
Tinawag ng Diyos si Emma Smith para tipunin ang isang aklat ng mga awitin para sa Simbahan. Sinabi Niya na “ang awit ng mabubuti ay isang panalangin” (Doktrina at mga Tipan 25:12).
-
Magdaos sa pamilya ng isang hamon sa pagkanta! Isang tao ang hihimig ng awitin ng Simbahan. Huhulaan ng lahat kung anong awitin iyon. Kapag may tamang nakahula, sabay-sabay na aawitin ng lahat ang kanta! Pagkatapos ay maaari silang maghalinhinan sa pagpili ng susunod na awitin.
Magsuot ng Baluti!
Para sa Doktrina at mga Tipan 27–28
-
Awitin ang “Maglakas-loob, Tama’y Gawin,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 80).
-
Itinuro ni Jesucristo na kailangan nating isuot ang buong kasuotang pandigma ng Diyos. Kapag ipinamuhay natin ang ebanghelyo, maaari tayong maging ligtas at protektado!
-
Gamitin ang mga item mula sa loob ng iyong bahay upang magbihis ng kunwa-kunwariang baluti. Pagkatapos ay basahin ang Doktrina at mga Tipan 27:15–18. Pag-usapan kung ano ang kahulugan ng bawat piraso ng baluti.
Ang Plano ng Ama sa Langit
Para sa Doktrina at mga Tipan 29
-
Awitin ang “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47).
-
Itinuturo ng mga banal na kasulatan ang plano ng Ama sa Langit para sa atin. Kasama sa planong iyan ang pagiging nabuhay na mag-uli. Ibig sabihin niyan ay mabubuhay tayong muli pagkatapos nating mamatay. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:13, 26.)
-
Basahin ang mensahe ni Pangulong Eyring sa pahina 2. Sa linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay, basahin ang isa sa mga banal na kasulatan sa bawat araw kasama ang inyong pamilya.