2021
Pumarito Ka, Sumunod ka sa Akin sa Panahon ng COVID
Hulyo 2021


Isinulat Mo

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa Panahon ng COVID

girl washing dishes with mom

Noong quarantine para sa COVID-19, nag-aral ako sa bahay namin kasama si Papa. Ginawa namin ang mga regular na gawain ko sa paaralan, pero pinag-aralan din namin ang manwal ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Primary. Narito ang ilan sa mga bagay na ginawa ko:

  • Gumawa ako ng koronang isinusuot ko sa bahay kapag tinutulungan ko ang mga magulang ko. Gusto kong maglingkod na katulad ni Haring Benjamin.

  • May kinulayan akong badge na hugis puso. Ipinaaalala nito sa akin na noong bininyagan ako, tinaglay ko ang pangalan ni Cristo.

  • Nagdrowing ako ng larawan ni Joseph Smith at kinulayan ito. Pinapaalala nito sa akin na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos.

  • Gumawa ako ng aktibidad na paggupit ng papel tungkol sa propetang si Abinadi sa Aklat ni Mormon. Naisip ko kung paano ko rin dapat panindigan ang katotohanan.

  • Kinulayan ko ang larawan ng binyag ni Jesucristo. Ipinaaalala nito sa akin na noong bininyagan ako, nakipagtipan ako sa aking Ama sa Langit.

Dahil pinag-aralan ko ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, palagay ko ay tinulungan ako ng Ama sa Langit sa paaralan. Noong una ay marami akong nagawang mali sa takdang aralin ko. Pagkatapos ay sinabi ni Itay na simulan ko sa pagdarasal ang pag-aaral. Pagkatapos ng panalangin, mas nakaunawa na ako. Hindi naglaon ay hindi na ganoon karami ang nagagawa kong mali. Nang matanggap ng mga guro ko ang takdang aralin ko, sabi nila, “Binabati kita, Sarah! Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo!”

Tagumpay kong natapos ang aking taon sa pag-aaral. At naging maayos ang klase namin sa bahay, dahil lagi kaming nagdarasal bago magsimula, tulad ng ginagawa namin kapag nag-aaral kami ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Friend, July 2021

Mga paglalarawan ni SHELLENE Rodney