Minamahal na mga Kaibigan,
Bago kayo isinilang, nabuhay kayo sa piling ng inyong mga magulang sa langit. Gumawa ng plano ang Ama sa Langit para sa ating lahat na pumarito sa lupa upang matuto at umunlad. Ito ang plano ng kaligayahan. Ipinakita sa atin ni Jesucristo ang daan nang pumarito Siya sa lupa. Habang pinipili ninyong sundin Siya, pinipili ninyong sundin ang plano ng Ama sa Langit. Kayo ay umuunlad upang maging tulad ng Tagapagligtas!
Pumunta sa pahina 2 upang malaman ang iba pa tungkol sa plano ng kaligayahan. Pagkatapos ay subukan ang laro sa pahina 24.
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
Kung Saan Namin Binabasa ang Kaibigan
Binabasa nina Denzel B. at Elba E., edad 8 at 9, ang Kaibigan sa wikang Ingles sa bahay at sa Simbahan sa Dar es Salaam, Tanzania.
Gustung-gusto Naming Nagpupunta sa Templo
Binisita nina Abraham, Fernando, at Enoc T., edad 7, 10, at 5, ang Guadalajara Mexico Temple kasama ang kanilang mga magulang.
Mga Tupa ni Jesus
Nagustuhan ko ang aktibidad mula sa mga ideya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin (Set. 2020) kung saan kailangang pastulin ang mga tupa papunta kay Jesus.
Ari S., edad 4, Texas, USA