2021
Iniligtas sa Gitna ng mga Bato sa Ilog
Hulyo 2021


Kaibigan sa Kaibigan

Iniligtas sa Gitna ng mga Bato sa Ilog

Mula sa isang panayam kasama ni Haley Yancey.

boy being lifted out of rock crevice

Noong anim na taong gulang ako, nagpunta ang aking pamilya sa isang ilog. Napakalamig ng tubig dahil nagmula ito sa mga bulubundukin sa Chile. Matapos maglaro nang sandali sa ilog, naisip kong magpainit.

Nagniningning ang araw sa ilang kalapit na bato. Kaya isinandal ko ang aking likod sa isang bato at ikinalang ko ang aking mga paa sa isa pang bato upang makapagbilad sa araw.

Ang mga bato ay nababalot ng madulas na lumot kaya unti-unti akong dumulas pababa. Napakabagal ng pangyayari kaya hindi ko napansin na dumudulas na pala ako.

Ngunit bigla akong naipit! Ang aking mga tuhod ay nakadiin sa aking dibdib. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. At patuloy pa rin akong dumudulas! Sa bawat segundo ay lalong dumidiin ang aking mga tuhod sa aking dibdib. Ang aking mga mata ay nakatingin sa langit, at ang lahat ng liwanag ay naglalaho na.

Bigla kong nakita ang mukha ng aking kuya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila niya ako pataas. Nakalabas na ako! Ako ay nakakahinga at nakakakita nang muli ng liwanag.

Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at ang ating Nakatatandang Kapatid. Palagi Niyang alam kung nasaan tayo. Tutulungan Niya tayo na makalabas sa panganib. Palagi Siyang nariyan upang tulungan tayo.

Paglalarawan ni Kelly Kennedy