Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at lagyan ng pandikit upang maisara.
Desideria Yáñez
“Nasasabik siyang … basahin ang Aklat ni Mormon.”
-
Nanaginip siya tungkol sa isang polyeto ng Simbahan na magpapabago sa kanyang buhay.
-
Natagpuan ng kanyang anak na si José ang polyeto sa Mexico City. Itinuro sa kanya ng mga missionary ang ebanghelyo.
-
Siya ang unang taong nagbasa ng Aklat ni Mormon sa wikang Espanyol.
-
Isa siya sa mga unang babae sa Mexico na nabinyagan.
Olivas Vila Aoy
“Gusto kong … maging kapaki-pakinabang sa Simbahan.”
-
Isinilang siya sa Espanya. Naglakbay siya papuntang Cuba, Mexico, at Estados Unidos para tumulong sa mga tao.
-
Nakilala niya ang mga missionary at sumapi sa Simbahan.
-
Tumulong siyang isalin ang Aklat ni Mormon sa wikang Espanyol.
-
Nalaman niya na walang paaralan sa El Paso, Texas, USA para sa mga batang nagsasalita ng wikang Espanyol. Kaya pinasimulan niya ang isang paaralan para sa kanila at nagturo doon nang maraming taon.