2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Setyembre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

Oras sa Templo

girl standing in front of temple

Para sa Doktrina at mga Tipan 94–97

  • Awitin ang “Templo’y Ibig Makita,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99).

  • Sinabi ni Jesus sa mga Banal na magtayo ng templo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 95:8). Ang mga templo ay mahahalagang lugar kung saan tayo makagagawa ng mga tipan (mga pangako) sa Ama sa Langit at mabubuklod sa ating mga pamilya.

  • Magpunta sa temples.ChurchofJesusChrist.org upang tingnan ang mga larawan ng mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo. Pag-usapan kung bakit napakasagrado at napakaespesyal ng mga templo.

Masasayang Mukha

smiley-faced sun made of paper plate

Para sa Doktrina at mga Tipan 98–101

  • Awitin ang “May Liwanag sa ’King Kaluluwa” (Mga Himno, blg. 141).

  • Sinabi ni Jesus, “Sa akin ang inyong kagalakan ay lubos” (Doktrina at mga Tipan 101:36). Ang kagalakan ay pangmatagalang kaligayahan na nadarama ninyo sa inyong puso.

  • Magdrowing ng isang masaya at isang malungkot na mukha sa magkabilang panig ng isang paper plate o bilog na papel. Sama-samang banggitin ang ilang bagay na nagpapasaya o nagpapalungkot sa mga tao at itaas ang masaya o malungkot na mukha. Tiyaking magbanggit ng ilang masayang bagay tungkol kay Jesus!

Sinabi ni Jesus …

hands making a heart shape

Para sa Doktrina at mga Tipan 102–105

  • Awitin ang “Ako’y Magiging Magiting” (Aklat ng mga Awit Pambata, 85).

  • Itinuro ni Jesus na kung susundin natin ang mga kautusan, pagpapalain tayo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 103:7).

  • Hilingin sa isang tao na sabihin ang “sinabi ni Jesus” at pagkatapos ay sabihin ang isang bagay na ipinagagawa sa atin ni Jesus. Pagkatapos ay gumawa ng aksyon na naaayon sa mga salita. Halimbawa, kung sasabihin ng taong ito na “sinabi ni Jesus na mahalin ang lahat,” maaari kang gumawa ng puso gamit ang iyong mga kamay. Kung sasabihin ng taong ito na “sinabi ni Jesus na manalangin,” maaari mong ihalukipkip ang iyong mga bisig. Maghalinhinan sa pagbanggit sa sinabi ni Jesus.

Pagkukulay sa Kumperensya

boy writing letter

Para sa Doktrina at mga Tipan 106–108

  • Awitin ang “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta” (Mga Himno, blg. 15).

  • Tinatawag ni Jesus ang mga propeta, apostol, at iba pa upang pamunuan ang Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:21–26). Naririnig natin ang ilan sa mga lider na ito sa pangkalahatang kumperensya!

  • Habang nakikinig ka sa kumperensya, gamitin ang mga aktibidad sa pahina 24–25 upang tulungan kang manatiling nakapokus. Pagkatapos ay sumulat sa Kaibigan para sabihin sa amin kung ano ang pinakagusto mo tungkol sa pangkalahatang kumperensya.

Templo’y Ibig Makita

temple drawing

Para sa Doktrina at mga Tipan 109–110

  • Awitin ang “Espiritu ng Diyos,” (Mga Himno, blg. 2).

  • Matapos itayo at ilaan ang Kirtland Temple, nagpakita roon si Jesucristo kina Joseph Smith at Oliver Cowdery (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110:2–7). Ang templo ay bahay ng Panginoon. Marami ka pang malalaman tungkol sa Kirtland Temple sa pahina 42.

  • Magdrowing ng larawan ng paborito mong templo. Awitin ang “Templo’y Ibig Makita,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99). Tuwing aawitin mo ang salitang templo, itaas ang iyong larawan ng templo. Isipin ang iba pang mga salita sa awitin na nagpapakita kung gaano kaespesyal at kaganda ang mga templo.

Friend Magazine, Global 2021/09 Sep

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill