2022
Ang Nagpapasaya sa Akin
Agosto 2022


Isinulat Mo

Ang Nagpapasaya sa Akin

girl sitting at school desk

Tulad ng iba pang mga tao mayroon akong ilang mithiin at pangarap. Gusto kong tulungan ang mga tao, tulad ng ginawa ni Jesus. Gusto kong maging mabait sa lahat. At gusto kong maging masaya habang ginagawa ang mga hilig ko.

sisters playing violin and piano

Sa pamamagitan ng musika, nagagawa ko ang lahat ng bagay na ito. Sumasali ako sa mga musikal na pagtatanghal sa simbahan sa pamamagitan ng pagkanta, pagtugtog ng piano, at pagtugtog ng biyolin. Para sa isang programa sa Primary, tumugtog ako ng piano habang kumakanta ang iba pang mga bata. Kinailangan kong magsikap at magsanay nang madalas. Ngunit masaya kaming lahat na gawin ito. Hilig din ng mga nakababata kong kapatid na lalaki at babae ag musika. Kaya tinutulungan ko silang mag-ensayo sa kanilang mga instrumento. At kumakanta ako ng mga himno at awitin kasama nila.

Angeline reading with siblings and dog

Maaari din akong maging masaya sa pagtulong sa tahanan. Naglilingkod ang tatay ko sa hukbong sandatahan, kaya tinutulungan ko si Inay sa pag-aalaga sa aking mga kapatid. Binabasahan ko sila ng mga kwento. Nakikipaglaro ako sa kanila. Nakikinig ako kapag may ikinukwento sila. At mahilig akong magluto.

Tinutulungan din ako ng aking aso, si Ricky, na maging masaya. Nakuha namin siya mula sa isang ampunan ng mga hayop. Ngayon ay bahagi na siya ng aming pamilya. Tumutulong ako sa pag-aalaga sa kanya.

Angeline writing cards

Gustung-gusto kong nagpapadala ng mga birthday card sa aking pamilya at mga kaibigan. Nagpapasaya iyon sa kanila, at nagpapasaya rin ito sa akin. Kahit medyo mahiyain ako, sinisikap kong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sinisikap kong maging mabait dahil alam ko na iyon ang gagawin ni Jesus. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang iba dahil alam kong sinusunod ko Siya.

Page from the August 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Kristin Sorra