2023
Sino ang Namumuno sa Simbahan?
Oktubre 2023


“Sino ang Namumuno sa Simbahan?” Kaibigan, Okt. 2023, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Sino ang Namumuno sa Simbahan?

Hango mula sa “Pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan,” Liahona, Nob. 2017, 81–84.

Christ with the twelve men chosen by Him to be His Apostles. Christ has His hands upon the head of one of the men (who kneels before Him) as He ordains the man to be an Apostle. The other eleven Apostles are standing to the left and right of Christ.

Si Jesucristo ang namumuno sa Simbahan.

Pinamumunuan Niya ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Kanyang mga propeta. Kinakausap Niya sila sa pamamagitan ng paghahayag.

Nagbigay Siya ng paghahayag sa Kanyang mga propeta noon pa man. Ginagawa Niya pa rin ito ngayon. At patuloy Niya itong gagawin.

Ibinabahagi ko ang aking masayang patotoo na si Jesucristo ang mayhawak sa timon. Pinamumunuan Niya ang Kanyang Simbahan at ang Kanyang mga tagapaglingkod na mga propeta.

Nasa Timon

Kulayan ang larawan. Sino ang mayhawak sa timon ng barko, nagmamanibela o gumagabay sa Simbahan?

PDF ng kuwento

Larawang-guhit ni Alyssa Tallent