2021
Maglagay ng Saligan
Enero 2021


“Maglagay ng Saligan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 19.

Taludtod sa Taludtod

Maglagay ng Saligan

Tinutulungan kayo ng tema sa taong ito na malaman at maunawaan ang inyong tungkulin sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos.

Maglagay ng Saligan

Paggawa ng mabuti

Ang paggawa ng mabuti na nagbibigay ng inspirasyon o naghihikayat sa iba na yakapin at gawin ang mabuti at marangal na mga bagay.

Saligan

Ang ilalim na bahagi ng isang gusali na nagdadala ng bigat ng istruktura na nasa ibabaw nito.

Dakilang gawain

Ang ating dakilang gawain ay tumulong na itayo ang kaharian ng Diyos dito sa lupa, kabilang na ang pagtitipon ng Israel.1

Mula sa maliliit na bagay

Ang bawat maliit at mabuting bagay na ginagawa ninyo ay tumutulong sa pagbuo ng isang malaking bagay.

Puso at may pagkukusang isipan

Kailangan ng Panginoon na ilaan natin ang ating mga hangarin, iniisip, at nadarama sa Kanyang gawain.

Kakainin ang taba ng lupain

Mula sa Lumang Tipan na ibig sabihin ay umunlad nang masagana (tingnan sa Isaias 1:19).

Sion

Ang kahulugan ng Sion ay maaaring: ang mga tao ng Panginoon, isang lugar kung saan nananahan ang mga tao ng Panginoon, o ang pamumuhay ng mga tao ng Panginoon (dalisay ang puso na ipinamumuhay ang selestiyal na batas).

Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sion,” mgabanalnakasulatan.ChurchofJesusChrist.org; Gospel Topics, “Zion,” topics.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Tala

  1. Tingnan sa Russell M. Nelson, “Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), HopeofIsrael.ChurchofJesusChrist.org.