2022
Bakit walang mga himala ngayon na katulad ng nasa mga banal na kasulatan?
Hulyo 2022


“Bakit walang mga himala ngayon na katulad ng nasa mga banal na kasulatan?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.

Tuwirang Sagot

Bakit walang mga himala ngayon na katulad ng nasa mga banal na kasulatan?

lalaking bulag na pinagagaling ni Jesus

Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng maraming tala tungkol sa mga himala. Ang ilan ay napakalaki at kamangha-mangha, tulad ng paghati sa Dagat na Pula o pagbuhay sa isang taong patay na. Ngunit paano naman ngayon? Nangyayari pa ba ang mga himala?

Oo, nangyayari pa rin. Maaaring hindi natin palaging naririnig ang tungkol sa mga ito, ngunit nangyayari pa rin ang mga himala sa buhay ng mga tao sa lahat ng oras.

Sinabi ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Marami sa inyo ang nakasaksi na ng mga himala, nang higit kaysa inaakala ninyo. Maaaring tila maliit ang mga ito. … Ngunit hindi natutukoy ang himala sa laki, kundi na ito ay nagmula lamang sa Diyos” (pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2021 [Liahona, Mayo 2021, 110]).

Anumang tulong mula sa Diyos ay maaaring tawaging himala. Maraming tao ang nakararanas ng mga himala. Kung minsan ibinabahagi ng mga taong iyon ang kanilang mga kuwento, ngunit kadalasan ay pinananatili nilang sagrado ang mga ito—sa pagitan ng kanilang sarili at ng Diyos.

At alalahanin ang dalawang mahahalagang bagay na ito tungkol sa mga himala: (1) dumarating lamang ang mga himala kapag may pananampalataya ang mga tao, at (2) nangyayari ang mga himala ayon sa kalooban at takdang panahon ng Panginoon. Maaaring hindi natin mapili kung paano o kailan, ngunit nangyayari ang mga himala ng Panginoon, maging sa ngayon. Maging sa iyo.