2008
Pagsunod sa Liwanag
December 2008


Isang Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan sa mga Bata sa Daigdig

Pagsunod sa Liwanag

“Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan,

“Na nagsisipagsabi, Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Sapagka’t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y sambahin” (Mateo 2:1–2).

Sinundan ng mga Pantas ang liwanag ng isang bituin upang matagpuan at sambahin ang Tagapagligtas. Sinamba natin Siya sa pamamagitan ng pagsunod sa liwanag ng Kanyang halimbawa. Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay ganap na masunurin, maawain, at mabait. Ginugol Niya ang Kanyang panahon sa daigdig sa paglilingkod, at inialay ang Kanyang buhay para makapagsisi tayo at mabuhay nang walang hanggan. Dahil dumating Siya sa lupa, alam natin kung sino tayo: mga pinakamamahal na anak ng Ama sa Langit.

Ngayong Pasko, nawa’y galak tayong umawit, mapagpasalamat tayong manalangin, at gumawa ng kabutihan. Habang sinisikap nating higit na maging katulad ng Tagapagligtas, magkakaroon tayo ng galak at kaligayahan sa napakagandang okasyong ito at kapayapaan sa bawat araw ng taon.

Pangulong Thomas S. Monson

Pangulong Henry B. Eyring

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

Kahit mga Pantas ng Daigdig ay Dapat Sundan ang Banal na Patnubay, ni J. Leo Fairbanks, sa kagandahang-loob ng Museum of Church History and Art