2019
Mga Kabataan
Oktubre 2019


Mga Kabataan

Carol with her brother

Larawang kuha ni Leslie Nilsson

Mahal ang mga mobile phone sa Chile, pero nagtakda ako ng mithiin noong 2016 na kumita ng sapat na pera para makabili ng isa nito. Sa loob ng isang buong taon, bumili ako ng bultuhang kendi at alfajores* at ibinenta ko ang mga ito sa aking mga kaibigan sa paaralan. Inipon ko ang lahat ng kinita ko. Hindi ako nananghalian sa labas, at hindi ako nanood ng sine.

Ayokong humingi sa mga magulang ko ng pambili ng telepono. Gusto kong masabi na inipon ko ang pambili nito. Hinikayat ako ng aking ama. “Carol, ipagpatuloy mo iyan,” ang palagi niyang sinasabi.

Marami akong natutuhan. Walang nakukuha nang libre. Mahirap makamit ang mga mithiin, pero hindi tayo dapat sumuko. Kapag pinaghihirapan natin ang mga bagay at naiisip natin kung ano ang mga pinagdaraanan natin para makamit ang mga ito, mas pahahalagahan natin ang mga ito.

Natutuhan ko na kailangan kong magpasiya kung ano ang gusto kong matamo at kung saan ko gustong pumunta. Kung gusto kong makasal sa templo, kailangan kong dumalo sa simbahan at sa seminary at pagkatapos ay sa institute at sa mga aktibidad ng young single adult. At kailangan kong makipagdeyt sa mga karapat-dapat na lalaki. Ang pagkakamit ng mithiin ay nangangailangan ng sakripisyo ngayon para sa mas mabuting bagay kalaunan.

Carol, 15, Chile

  • Isang tradisyunal na cookie sa Timog Amerika.