Tungkol sa mga Magasin ng Simbahan
Isang Pamilya ng mga Pandaigdigang Magasin
Isang Pamilya ng mga Pandaigdigang Magasin


“Isang Pamilya ng mga Pandaigdigang Magasin,” Nob. 2021.

Isang Pamilya ng mga Pandaigdigang Magasin

Larawan
mga magasin

Simula sa Enero 2021, nagsimulang maglathala ang Simbahan ng tatlong pandaigdigang magasin: ang Kaibigan (para sa mga batang edad 3–11), ang Para sa Lakas ng mga Kabataan (para sa mga kabataan na edad 11–18), at ang Liahona (para sa mga adult). Pinalitan ng mga magasing ito ang apat na naunang mga magasin ng Simbahan, tatlo sa mga ito ang inilathala lamang sa wikang Ingles.

Noong ibinalita nila ang mga bagong magasin na ito, sinabi ng Unang Panguluhan, “Nais namin na ang mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo ay mag-subscribe at malugod na tanggapin ang nagpapalakas ng pananampalataya na impluwensyang ito sa kanilang mga puso at tahanan.” (Liham ng Unang Panguluhan, Agosto 14, 2020).

Sinisikap naming matiyak na kahit ikaw ay mula sa Slovenia o Spain, Madagascar o Massachusetts, ang mga magasin na ito ay magiging para sa iyo. Kaya kahit ikaw ay nagsasalita ng Korean o Kiribati, ang bahay mo man ay yari sa semento o kawayan, ikaw man ay nabinyagan 80 taon na ang nakararaan o kahapon lamang, ang mga artikulo na ito ay sumasalamin sa iyong patotoo, iyong mga karanasan, at iyong sambahayan ng pananampalataya. Iyan ang isa sa malalaking pagpapala ng mga pandaigdigang magasin na ito: pinag-iisa tayo ng mga ito at ipinapaalala sa atin na tayong lahat ay kabilang sa isang pandaigdigang pamilya ng Simbahan.

Ang pagkakaroon ng tatlong pandaigdigang magasin ay magbibigay-daan para sa mga 97 porsiyento ng mga miyembro na tumanggap ng nakalimbag na magasin kada buwan o kada dalawang buwan. (Noon, ang ilang wika ay nakakatanggap lamang ng isang magasin sa isang taon!) Tingnan ang FAQ page na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung gaano kadalas ilalathala ang mga nilalaman ng magasin sa iba’t ibang wika.

Sa koleksyon na Mga Magasin sa Gospel Library, makikita mo ang isang tile para sa bawat isa sa tatlong pandaigdigang magasin, gayundin ang isang tile para sa bagong lathalain na para sa mga young adult na available lamang sa digital format na tinatawag na Lingguhang YA. Marami ka pang malalaman tungkol sa bawat isa sa mga lathalaing ito dito sa bahaging “Tungkol sa mga Magasin ng Simbahan.”

Print