Lesson 128
3 Nephi 19
Pambungad
Matapos ang unang araw ng pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga Nephita, ang balita ng Kanyang pagdalaw ay lumaganap sa mga tao sa buong magdamag na iyon. (Ang mga pangyayaring nakatala sa 3 Nephi 11–18 ay naganap lahat sa isang araw.) Sa buong magdamag, ang mga tao ay nagpagal “nang labis … upang sa kinabukasan sila ay naroroon sa pook” kung saan magpapakita muli ang Tagapagligtas (3 Nephi 19:3). Kinaumagahan, nagturo ang labindalawang disipulo sa mga tao at nanalanging kasama nila. Nagpakita si Jesucristo at iniutos sa mga tao na manalangin, at Siya ay nananalangin sa Ama para sa kanilang kapakanan. Dahil sa kanilang pananampalataya, nadalisay ang labindalawang disipulo. Nanalangin si Jesus na ang mga disipulo at lahat ng maniniwala sa kanilang mga salita ay maging isa sa Kanya at sa Kanyang Ama.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
3 Nephi 19:1–14
Ang labindalawang disipulo ay naglingkod sa mga tao tulad ng iniutos ng Tagapagligtas
Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang gagawin nila o ano ang mararamdaman nila kung alam nila na darating bukas si Jesucristo sa templo (o sa stake center, o sa kabisera ng lunsod, o sa iba pang lugar na malayo na kailangang maglakbay ng mga estudyante).
-
Paano kayo makararating doon?
-
Sino ang gusto ninyong makasama?
-
Ano ang gagawin ninyo para mapaghandaan ang pangyayaring ito?
Ipaalala sa mga estudyante na noong malapit nang matapos ang unang araw ng pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga Nephita, hinikayat Niya ang mga tao na umuwi sa kanilang mga tahanan at pagbulayan at ipagdasal ang mga itinuro Niya upang makapaghanda para sa Kanyang pagdalaw kinabukasan (tingnan sa 3 Nephi 17:3). Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 19:1–3 at alamin kung ano ang ginawa ng mga Nephita nang mangako ang Tagapagligtas na babalik Siya kinabukasan. Matapos maibahagi ng mga estudyante ang nalaman nila, ibuod ang 3 Nephi 19:4–8 na ipinapaliwanag na pagkatapos magtipon ang mga tao kinabukasan, nagpasya ang labindalawang disipulo na hatiin sa labindalawang grupo ang mga tao at nagsimulang magturo sa kanila. Matapos iutos sa mga tao na lumuhod at manalangin, nanalangin din ang labindalawang disipulo at pagkatapos ay itinuro sa mga tao ang gayon ding mga katotohanan na itinuro ng Tagapagligtas noong nakaraang araw. Pagkatapos ay muling lumuhod at nanalangin ang mga disipulo.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 19:8–9. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang idinalangin ng mga disipulo.
-
Ano ang higit na ninanais ng mga disipulo?
-
Pamamahalaan ng labindalawang disipulo ang mga gawain ng Simbahan sa mga Nephita sa pag-alis ng Tagapagligtas. Sa inyong palagay, bakit kailangan nila ang Espiritu Santo sa kanilang paglilingkod?
-
Sa mga panalangin ninyo, ano ang ilang bagay na higit ninyong ninanais?
-
Nagdarasal ba kayo na mapasainyo ang Espiritu Santo? Bakit oo o bakit hindi?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 19:10–12. Matapos siyang magbasa, ipaliwanag na ang pangalawang binyag na ito ay isang espesyal na pangyayari. Bagama’t ang mga Nephita ay nabinyagan noon para sa kapatawaran ng kasalanan at karapat-dapat na makasama si Jesucristo, iniutos ng Tagapagligtas na muli silang magpapabinyag dahil inorganisa Niya nang panibago ang Simbahan.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 19:13–14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang mga pagpapalang natanggap ng mga disipulo dahil sa kanilang mabubuting hangarin. Para matulungan ang mga estudyante na hangarin ang impluwensya at patnubay ng Espiritu Santo sa kanilang buhay, gawin ang sumusunod na aktibidad:
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa bawat magkapartner na isulat sa kanilang notebook o scripture study journal ang ginagawa ng Espiritu Santo para sa mga taong namumuhay nang karapat-dapat. Sabihin din sa mga estudyante na ikumpara ang kanilang mga isinulat sa sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol. (Bago magklase, gumawa ng mga kopya ng pahayag o isulat ito sa pisara.) Sabihin sa mga estudyante na idagdag sa mga isinulat nila ang anumang bagong ideya na malalaman nila habang binabasa nila ang pahayag.
“[Ang] Espiritu Santo ang … siyang pinagmumulan ng ating patotoo sa Ama at sa Anak. …
“Kailangan natin ang Espiritu Santo bilang ating kasama sa tuwina upang tulungan tayong makapili nang mas mabuti sa mga pagpapasiyang kinakaharap natin araw-araw. … Ang patnubay ng Espiritu ay magbibigay ng lakas sa kanila [sa ating mga kabataan] na labanan ang kasamaan, at kung kinakailangan, ang pagsisisi at pagbalik sa makipot at makitid na landas. … Kailangan nating lahat ang pagpapatibay na maibibigay ng Espiritu Santo. … Nakatutulong sa mga miyembro ng mag-anak ang kaloob na Espiritu Santo sa pagpili ng tama—mga pagpili na tutulong sa kanila na makabalik kasama ang kanilang mag-anak sa kanilang Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo upang makasama Sila magpasawalang-hanggan” (“Ang Tipan ng Pagbibinyag: Ang Maging nasa Kaharian at para sa Kaharian,” Liahona, Nob. 2000, 8).
-
Sa paanong paraan makatutulong sa mga kabataan ng Simbahan ang mga pagpapalang isinulat ninyo?
Sabihin sa mga estudyante na tingnan muli ang mga pagpapalang isinulat nila at isipin ang kailangan nating gawin para maging karapat-dapat sa mga pagpapalang ito. Sabihin sa kanila na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 19:9, 13 at alamin ang alituntunin tungkol sa pagtanggap ng impluwensya at patnubay ng Espiritu Santo. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang alituntuning nalaman nila. Ipabahagi sa ilan sa kanila ang isinulat nila. (Maaaring makapagbahagi ang mga estudyante ng tulad nito: Ang ating mabubuting hangarin at panalangin ay magpapamarapat sa atin upang mapuspos tayo ng Espiritu Santo.)
-
Kailan nakatulong ang inyong mabubuting hangarin at panalangin upang madama ninyo ang impluwensya ng Espiritu?
Isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag. Sabihin sa mga estudyante na kopyahin ang hindi kumpletong pahayag na ito at kumpletuhin ito gamit ang sarili nilang salita.
3 Nephi 19:15–36
Ang Tagapagligtas ay nagpakita at nanalangin para madalisay ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 19:15–16. Ituro na habang nakaluhod ang mga tao, nakita nila na nag-alay ng tatlong magkakaibang panalangin si Jesucristo para sa Kanyang mga disipulo at para sa mga tao. (Ipaliwanag na kalaunan sa lesson pag-aaralan ng klase ang pangatlong panalangin ng Tagapagligtas.)
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference at tanong bago magklase (o gawin itong handout at ibigay sa mga estudyante):
Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-tatatlong estudyante. (Kung maliit ang klase mo, kailangan mong hatiin ang klase sa mas maliliit na grupo.) Mag-assign ng isang estudyante sa bawat grupo na magbabasa ng isa sa mga scripture passage na nakasulat sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na lahat sila ay dapat maghanda sa kanilang grupo para masagot ang mga tanong na nasa pisara.
Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa kanilang mga kagrupo ang kanilang mga sagot sa mga tanong. Maging handa sa pagsagot kung itanong ng mga estudyante kung bakit nanalangin ang mga disipulo sa Tagapagligtas (tingnan sa 3 Nephi 19:18). Ipaliwanag na sa kakaibang pagkakataong ito, nanalangin ang mga disipulo kay Jesucristo dahil Siya ay kasama nila bilang kinatawan ng Ama (tingnan sa 3 Nephi 19:22).
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 19:31–34. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung bakit labis na naantig ng panalangin ng Tagapagligtas ang mga tao. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Bagama’t maraming katotohanan ang matututuhan ng mga estudyante mula sa isa’t isa sa pagbabahagi nila, ang sumusunod na aktibidad ay magbibigay-diin sa dalawang alituntunin na maaaring matuklasan nila sa kanilang pag-aaral.
Isulat sa pisara ang sumusunod: Kapag sumampalataya tayo kay Jesucristo, …
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralang muli ang 3 Nephi 19:28 at tukuyin ang mga paraan para makumpleto ang pahayag sa pisara. (Sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot. Ang sumusunod ay isang paraan na maaaring makumpleto ng mga estudyante ang pahayag: Kapag sumampalataya tayo kay Jesucristo, tayo ay madadalisay.)
-
Ano ang ibig sabihin ng madalisay? Paano tayo tinutulungan ng pananampalataya kay Jesucristo na maging malinis?
-
Sa paanong paraan nanampalataya ang mga disipulo sa mga pangyayaring nakatala sa 3 Nephi 19?
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na tayo ay dinadalisay ng Espiritu Santo, ipaalala sa kanila na natanggap ng mga disipulo ang Espiritu Santo at “napuspos … ng apoy” (3 Nephi 19:13). Ipaliwanag na ang pariralang “napuspos … ng apoy” ay may sinasagisag, tumutukoy ito sa pagpapala ng pagiging malinis sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Sabihin sa mga estudyante na muling basahin nang tahimik ang 3 Nephi 19:23, 29 at alamin ang isa pang pagpapala na darating sa mga taong napasakanila ang Espiritu ng Panginoon. (Pagkatapos magbasa ng mga estudyante, maaari mong imungkahi na markahan nila sa dalawang talata ang pariralang “upang tayo ay maging isa.”)
-
Paano naging isa si Jesucristo at ang Ama? (Sila ay magkahiwalay na katauhan at may katawang may laman at buto, ngunit iisa ang kanilang layunin at doktrina. Sila ay ganap na nagkakaisa, at kanilang isinakatuparan ang banal na plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.)
-
Ano ang ibig sabihin para sa atin ng maging isa sa Diyos Ama at sa Anak?
-
Ano ang natutuhan natin sa 3 Nephi 19:23, 29 tungkol sa paraan kung paano tayo magiging isa sa Kanila? (Sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay madadalisay at magiging isa kay Jesucristo, tulad Niya na isa sa Ama.)
Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung paano tayo magiging isa sa Ama at sa Anak:
“Ganap na nakiisa si Jesus sa Ama sa pagpapasakop ng Kanyang sarili, kapwa sa katawan at sa espiritu, sa kalooban ng Ama. Siya’y laging nakapokus sa Kanyang ministeryo dahil walang pagdadalawang-isip sa Kanya. Sa pagtukoy sa Kanyang Ama, sinabi ni Jesus, ‘Ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya’y nakalulugod’ (Juan 8:29). …
“Tiyak kong hindi tayo magiging kaisa ng Diyos at ni Cristo hangga’t hindi natin pakahangarin ang kanilang kalooban at hangarin. Ang gayong pagpapakumbaba ay hindi matatamo sa isang araw, ngunit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, tuturuan tayo ng Panginoon kung nais natin hanggang, sa pagdaan ng panahon, angkop na sabihing Siya ay sa atin tulad ng ang Ama ay nasa Kanya” (“Upang Sila ay Maging Isa sa Atin,” Liahona, Nob. 2002, 72, 73).
Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 19:35–36 at isiping mabuti ang lakas ng kanilang sariling panalangin. Ipangako sa mga estudyante na tayo rin ay magkakaroon ng mas magandang espirituwal na karanasan at lalo pang magiging kaisa ng Ama at ng Anak kung palalakasin natin ang ating pananampalataya at taimtim na mananalangin na mapasaatin ang Espiritu.