Library
Lesson 135: 3 Nephi 29–30


Lesson 135

3 Nephi 29–30

Pambungad

Sa pagtatapos ni Mormon ng kanyang ulat tungkol sa pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga Nephita, ipinaliwanag niya na ang paglabas ng Aklat ni Mormon ay magiging palatandaan na tinutupad na ng Panginoon ang Kanyang tipan sa sambahayan ni Israel. Siya ay nagbabala na ang mga taong hindi tumatanggap sa mga gawain ng Diyos ay parurusahan ng Diyos. Sa huli, itinala niya ang paanyaya ng Tagapagligtas sa lahat ng tao na magsisi at mapabilang sa sambahayan ni Israel.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

3 Nephi 29

Pinatotohanan ni Mormon na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang tipan na titipunin ang sambahayan ni Israel sa mga huling araw

Isulat sa pisara ang sumusunod na chart bago magklase (o gawin itong handout at ibigay sa mga estudyante):

  1. Mga Gentil

  1. Dalawang kahulugan: (1) mga inapo ng propetang si Jacob (Israel) sa Lumang Tipan, kung kanino nakipagtipan ang Panginoon at (2) mga tunay na naniniwala kay Jesucristo na nakipagtipan sa Diyos

  1. Sambahayan ni Israel

  1. Isang pangako sa matatapat na kinapapalooban ng mga pagpapala ng ebanghelyo, awtoridad ng priesthood, mga walang-hanggang pamilya, at isang lupaing mana

  1. Itatwa/Tatanggi

  1. Dalawang kahulugan: (1) mga tao mula sa angkang hindi Israelita o hindi Judio at (2) mga taong walang ebanghelyo

  1. Ang tipan ng Panginoon sa Israel

  1. Matinding kalungkutan at panghihinayang

  1. Sa aba

  1. Balewalain o hindi tanggapin nang may panghahamak o panlalait

Simulan ang klase sa pagsasabi sa mga estudyante na itugma ang mga salita sa unang column ng chart sa tamang kahulugan ng mga ito sa pangalawang column (mga sagot: 1-c, 2-a, 3-e, 4-b, 5-d). Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot, tiyakin na nauunawaan nila ang bawat isa sa mga kahulugan. Magagawa mo ito sa pagsasabi sa mga estudyante na ipaliwanag ang kahulugan sa kanilang sariling mga salita o sa paggamit ng bawat salita o parirala sa isang pangungusap. Sabihin sa mga estudyante na ang mga kahulugang ito ay tutulong sa kanila na maunawaan ang 3 Nephi 29–30.

Ipaliwanag na matapos maisulat ni Mormon ang tungkol sa pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga Nephita, ipinropesiya niya na matutupad ang mga pangako ng Panginoon sa mga huling araw. Tanungin ang mga estudyante kung naranasan na nila ang katuparan ng isang banal na pangako, ibinigay man ito sa mga banal na kasulatan, o ng propeta, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, o sa pamamagitan ng basbas ng priesthood. Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasan ngunit tiyaking ipaalala sa kanila na hindi sila dapat magkwento ng mga karanasang napakapersonal o napakapribado.

  • Sa inyong palagay, bakit may mga taong magdududa na hindi tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako?

  • Paano ninyo nalaman na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako?

Isulat sa pisara ang salitang Kung at [bunga o resulta nito]. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 29:1–3 at hanapin ang salitang nakasulat sa pisara. Ipaliwanag na ang mga salitang ito ay tutulong sa kanila na matukoy ang isang pangyayari na nagpapakita na tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa sambahayan ni Israel sa mga huling araw. (Makatutulong na ipaliwanag na ang pariralang “ang mga salitang ito” sa 3 Nephi 29:1 ay tumutukoy sa mga nakasulat sa Aklat ni Mormon.)

  • Paano ninyo ibubuod ang propesiya na nakasulat sa mga talatang ito? (Maaaring iba-ibang salitang ang gamitin ng mga estudyante, ngunit dapat nilang matukoy ang sumusunod na katotohanan: Ang paglabas ng Aklat ni Mormon ay isang palatandaan na tinutupad ng Panginoon ang Kanyang tipan na titipunin ang Israel sa mga huling araw. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na markahan ang katotohanang ito sa chapter summary ng 3 Nephi 29.)

Sabihin sa mga estudyante na itaas ang kanilang Aklat ni Mormon. Ipaliwanag na nasa kanilang mga kamay ang katuparan ng propesiya ni Mormon at makatitiyak sila na inihahanda ng Panginoon ang Kanyang mga tao para sa Kanyang pagparito. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Russell M. Nelson

“Ang Aklat ni Mormon ay pisikal na tanda na sinimulan nang tipunin ng Panginoon ang Kanyang mga anak ng [pinagtipanang] Israel. …

“Tunay na hindi nakalimot ang Panginoon! Biniyayaan Niya tayo at ang iba pa sa buong mundo ng Aklat ni Mormon. … Tinutulungan tayo nito na makipagtipan sa Diyos. Inaanyayahan tayo nito na alalahanin Siya at kilalanin ang Kanyang Pinakamamahal na Anak. Ito ay isa pang Tipan ni Jesucristo” (“Mga Tipan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 88).

  • Dahil nasa atin ang Aklat ni Mormon, paano nito pinatutunayan na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako?

Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Bakit gustong malaman ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tipan ng Panginoon sa sambahayan ni Israel? Sabihin sa mga estudyante na pakinggan ang mga sagot sa tanong na ito kapag binasa mo ang sumusunod na pahayag ni Elder Russell M. Nelson, na nagtala ng mga pangako na bahagi ng tipan ng Panginoon sa Kanyang mga tao. (Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng kopya ng pahayag na ito.)

“Ang tipang ginawa ng Diyos kay Abraham at kalaunan ay pinagtibay kina Isaac at Jacob ay … naglalaman ng ilang pangako, kabilang ang:

  • Si Jesus na Cristo ay isisilang sa … lahi o lipi ni Abraham.

  • Ang mga inapo ni Abraham ay magiging napakarami, may karapatan sa walang-hanggang pag-unlad, at may karapatan ding taglayin ang priesthood.

  • Si Abraham ay magiging ama ng maraming bansa.

  • Ang ilang lupain ay mamanahin ng kanyang mga inapo.

  • Lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain sa pamamagitan ng kanyang binhi.

  • At ang tipang iyon ay panghabampanahon—maging hanggang sa ‘isang libong salin ng lahi.’

“Ang ilan sa mga pangakong ito ay natupad na; ang iba ay naghihintay pang matupad. …

“Ang ilan sa atin ay literal na binhi ni Abraham; ang iba ay natipon sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-ampon. Ang Panginoon ay walang itinatangi. Sama-sama nating natatanggap ang mga ipinangakong pagpapalang ito—kung hahanapin natin ang Panginoon at susundin ang Kanyang mga utos. …

“… Sinabi ni Brigham Young: “Lahat ng Banal sa mga Huling Araw ay pumapasok sa bago at walang hanggang tipan kapag pumapasok sila sa Simbahang ito’” (“Mga Tipan,” 87–88; sinipi sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young [1997], 73).

  • Gamit ang natutuhan ninyo mula sa pahayag ni Elder Nelson, paano ninyo sasagutin ang tanong na nasa pisara? (Maaaring iba-iba ang isagot ng mga estudyante, ngunit tiyaking natukoy nila ang sumusunod na katotohanan: Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay mga pinagtipanang tao ng Panginoon, at responsibilidad natin na pagpalain ang lahat ng bansa.)

  • Paano sinisikap ng mga Banal sa mga Huling Araw na pagpalain ang mga bansa sa mundo?

  • Ano ang ginagampanan ng Aklat ni Mormon sa mga pagsisikap na ito?

Patingnan ang mga salitang itatwa/tatanggi at sa aba mula sa matching activity. Ipaliwanag na alam ni Mormon na sa mga huling araw may mga magtatatwa o tatanggi sa Aklat ni Mormon at sa iba pang mga katibayan ng katuparan ng tipan ng Panginoon sa Kanyang mga tao. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 29:4–9 at alamin ang mangyayari sa magtatatwa at tatanggi sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga gawain. Matapos ipaliwanag ng mga estudyante ang nalaman nila, maaari mong imungkahi na isulat nila ang sumusunod na katotohanan sa kanilang banal na kasulatan: Ang kalungkutan ay darating sa mga magtatatwa at hindi tatanggap kay Jesucristo.

  • Bakit kalungkutan ang karaniwang ibinubunga ng hindi pagtanggap o pagtanggi sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga gawain?

  • Paano kayo tutugon sa isang taong nagsasabi na hindi nangungusap ang Panginoon sa tao o gumagawa ng mga himala?

  • Paano natin mas makikilala at mapapahalagahan ang Panginoon at ang Kanyang mga gawain sa ating buhay?

3 Nephi 30

Inanyayahan ng Panginoon ang mga Gentil na magsisi at lumapit sa Kanya

Patingnan ang mga salitang mga Gentil mula sa matching activity. Sabihin sa mga estudyante na sa 3 Nephi 30, sinunod ni Mormon ang utos ng Panginoon na itala ang paanyaya ni Jesucristo lalo na sa mga Gentil, o mga taong walang ebanghelyo. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 3 Nephi 30:1–2 at hanapin ang maraming paanyaya sa mga Gentil hangga’t maaari. Matapos nilang maibahagi ang nahanap nila, itanong:

  • Alin sa mga paanyayang ito ang sa palagay ninyo ay maaaring buod ng lahat ng iba pa? (Ang paanyaya na lumapit kay Cristo ay kinapapalooban ng pagsisisi, binyag, pagtanggap ng Espiritu Santo, at pagiging kabilang sa mga tao ng Panginoon.)

  • Anong mga pagpapala ang ipinangako ni Jesucristo sa mga Gentil kung sila ay lalapit sa Kanya? (Kapatawaran ng mga kasalanan, pagiging puspos ng Espiritu Santo, at pagiging kabilang sa Kanyang mga tao.)

  • Bakit isang pagpapala ang mapabilang sa mga tao ng Panginoon?

Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kung lalapit tayo kay Cristo, maibibilang tayo sa Kanyang mga tao. Ipaliwanag na bagama’t ang 3 Nephi 30:2 ay tumutukoy sa mga taong hindi miyembro ng Simbahan, magagamit natin ang paanyaya ni Jesucristo para masuri ang ating pagsisikap na tuparin ang mga tipan na ginawa natin sa Diyos. Patotohanan ang mga pagpapalang dumarating sa pagtupad sa ating mga tipan at pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon.

Pagrebyu ng 3 Nephi

Maglaan ng oras na tulungan ang mga estudyante na pag-aralang muli ang aklat ng 3 Nephi. Sabihin sa kanila na pag-isipan ang natutuhan nila mula sa aklat na ito, mula sa seminary at sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Kung kinakailangan, sabihin sa kanila na basahin nang mabilis ang ilan sa mga chapter summary sa 3 Nephi para matulungan sila na makaalala. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng isang bagay mula sa 3 Nephi na nagbigay ng inspirasyon sa kanila o nakatulong sa kanila na mas mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

scripture mastery iconPagrebyu ng Scripture Mastery

Bigyan ng blankong papel ang bawat estudyante. Sabihin sa kanila na magsulat ng isang liham sa isang tao (na kunwa-kunwarian lang o isang taong kilala nila) na hindi miyembro ng Simbahan. Imungkahi na saliksikin nila ang mga scripture mastery passage para sa mga katotohanan na magagamit nila sa pag-anyaya sa tatanggap ng liham na lumapit kay Cristo at mapabilang sa Kanyang mga tao. Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang isinulat.

Paalala: Ang haba ng lesson na ito ay maaaring magbigay ng oras para sa aktibidad na ito. Para sa iba pang aktibidad sa pagrebyu ng scripture mastery, tingnan ang apendiks sa katapusan ng manwal na ito.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

3 Nephi 30:1–2. Ang pagtitipon ng Israel

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball:

“Ang pagtitipon ng Israel ay kinapapalooban ng pagsapi sa totoong simbahan at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa totoong Diyos. … Samakatwid, sinumang tao na tatanggap sa ipinanumbalik na ebanghelyo, at nagsisikap ngayon na sambahin ang Panginoon sa kanyang sariling wika at kasama ang mga Banal sa bansa kung saan siya nakatira, ay sumunod sa batas ng pagtitipon ng Israel at tagapagmana sa lahat ng pagpapalang ipinangako sa mga Banal sa mga huling araw na ito” (The Teachings of Spencer W. Kimball, ed. Edward L. Kimball [1982], 439).