Home-Study Lesson
3 Nephi 1–11:17 (Unit 24)
Pambungad
Ang aktibidad para sa 3 Nephi 1–7 sa lesson na ito ay nagbibigay-diin sa ilan sa mga doktrina at mga alituntunin na makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng magbalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo. Ang mga aktibidad sa pagtuturo para sa 3 Nephi 8–10 ay maghahanda sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang kanilang patotoo sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan nila ang tungkol sa pagpapakita Niya sa mga inapo ni Lehi sa 3 Nephi 11.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
3 Nephi 1–7
Ang mga palatandaan at kababalaghan ay nagpahayag ng pagsilang ni Jesucristo; ang mga tao ay pauli-ulit na naging mabuti at masama hanggang sa bumagsak ang pamahalaan
Magdrowing sa pisara ng linya tulad ng sumusunod:
Itanong: Ayon sa napag-aralan ninyo nitong nakalipas na linggo, paano inilalarawan ng linyang ito ang mga Nephita sa 3 Nephi 1–7? (Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga chapter heading ng 3 Nephi 1–7 upang maipaalala sa kanila kung paano tumataas-bumababa sa kabutihan at sa kasamaan ang mga Nephita mula A.D. 1 hanggang A.D. 33.)
Upang matulungan ang mga estudyante na mapag-isipan kung ano ang maituturo sa atin ng 3 Nephi 1–7 tungkol sa pagiging tunay na nagbalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, ipabasa nang malakas ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Marion G. Romney ng Unang Panguluhan. (Kung maaari, magbigay ng kopya para sa bawat estudyante, at sabihin sa kanila na salungguhitan ang mga parirala o mga salita na sa palagay nila ay pinakamainam na naglalarawan sa isang taong nagbalik-loob.)
“Ang pagbabalik-loob ay isang espirituwal at moral na pagbabago. Ang ibig sabihin ng nagbalik-loob ay hindi lamang tinanggap sa isipan si Jesus at ang kanyang mga turo, kundi ito rin ay isang humihikayat na pananampalataya sa kanya at sa kanyang ebanghelyo. … Sa isang taong tunay at lubos na nagbalik-loob, ang hangarin ang mga bagay na salungat sa ebanghelyo ni Jesucristo ay naglaho na. At ang pumalit dito ay pagmamahal sa Diyos, na may matatag at matibay na determinasyon na sundin ang kanyang mga kautusan” (sa Conference Report, Guatemala Area Conference 1977, 8).
Itanong: Anong parirala o mga salita ang sa palagay ninyo ay pinakamainan na naglalarawan sa isang taong nagbalik-loob?
Isulat sa pisara ang sumusunod na chart, o gawin itong handout at ibigay sa mga estudyante:
Mga Paniniwala at Gawain na Humahantong sa Pagbabalik-loob |
Mga Paniniwala at Gawain na Nagpapahina sa Pagbabalik-loob | |
---|---|---|
Bigyan ang bawat estudyante ng isa sa mga scripture passage mula sa chart. Bigyan ang mga estudyante ng oras na saliksikin ang ibinigay na scripture passage sa kanila para sa mga paniniwala at gawain na humahantong sa pagbabalik-loob o nagpapahina ng pagbabalik-loob. Marami sa mga alituntunin na mahahanap ng mga estudyante ang matatagpuan sa Buod ng Daily Home-Study Lessons para sa day 1–3 sa simula ng lesson na ito. Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang nahanap nila, isulat sa pisara ang kanilang mga sagot, o hikayatin sila na isulat ang mga ito sa kanilang handout. Tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntuning nalaman nila sa pagtatanong na tulad ng mga sumusunod hinggil sa isa o dalawang katotohanan na nalaman ng mga estudyante:
-
Paano kayo namuhay o ang isang kakilala ninyo ayon sa katotohanang iyon o ano ang naranasan ninyo sa alituntuning iyon?
-
Batay sa katotohanang nalaman ninyo, ano ang maipapayo ninyo para matulungan ang isang tao na lalo pang magbalik-loob at espirituwal na tumatag?
3 Nephi 8–11:17
Malaki at matinding pagkawasak ang tanda ng kamatayan ni Jesucristo; pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, dinalaw Niya ang mga inapo ni Lehi
Sabihin sa isang estudyante na ibuod ang mga pangyayari sa 3 Nephi 8 at ibahagi sa klase ang anumang naramdaman o impresyon niya habang pinag-aaralan niya ang kabanatang ito nitong nakaraang linggo. Ipabasa sa isang estudyante ang 3 Nephi 8:20–23. Sabihin sa klase na ipaliwanag kung bakit ang palatandaang inilarawan sa mga talatang ito ay angkop na palatandaan ng pagkamatay ni Jesucristo. Para mabigyang-diin ang kadiliman na naranasan ng mga Nephita, maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad:
Bigyan ang bawat estudyante ng flashlight, at patayin ang mga ilaw sa silid. (Kung wala kang sapat na flashlight, kailangang maghiraman ang mga estudyante.) Sabihin sa mga estudyante na buksan ang kanilang flashlight at sabihin sa ilan sa kanila na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng 3 Nephi 9:13–20. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga katotohanang nalaman ng mga tao tungkol kay Jesucristo habang nararanasan nila ang kadiliman matapos ang Kanyang kamatayan. Buksan muli ang mga ilaw, at ibuod ang mga katotohanang natukoy ng mga estudyante at isulat ang mga ito sa pisara. Bigyang-diin ang mga sumusunod na alituntunin: Si Jesucristo ang liwanag at buhay ng mundo. Kung lalapit tayo kay Cristo nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, tayo ay Kanyang tatanggapin, pagagalingin, at bibigyan ng buhay na walang hanggan.
Ibuod ang 3 Nephi 11:1–7 na ipinapaliwanag na ang mga taong nakaligtas sa pagkawasak ay nagtipon sa templo sa lupaing Masagana.
Ipakita ang larawang Nagtuturo si Jesus sa Kanlurang Bahagi ng Mundo (62380; Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 82) o Pinagagaling ni Jesus ang mga Nephita (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 83). Sabihin sa mga estudyante na ilarawan sa isipan ang 3 Nephi 11:8–17 habang binabasa mo ito sa kanila. Huminto paminsan-minsan sa iyong pagbabasa, at sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nadarama nila habang inilalarawan nila sa kanilang isipan ang pangyayaring ito, lalo na ang “isa-isang” paglapit ng mga Nephita sa Tagapagligtas, tulad ng nakatala sa 3 Nephi 11:15.
Matapos basahin ang 3 Nephi 11:8–17, itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod. Hikayatin sila na tahimik na pag-isipang mabuti ang mga tanong bago nila sagutin ito. (Tiyaking maglaan ng sapat na oras para masagot ng mga estudyante ang mga tanong na ito para hindi sila magmadali sa pag-iisip at pagbabahagi ng kanilang nadama at patotoo.)
-
Kung kasama kayo ng mga Nephita at nagkaroon kayo ng pagkakataong mahipo ang mga sugat ng Tagapagligtas, ano ang sasabihin ninyo sa Kanya?
-
Nang ipakilala ni Jesucristo ang Kanyang sarili sa mga Nephita, bakit sa inyong palagay napakahalaga na binigyan-diin Niya ang “mapait na saro”? (3 Nephi 11:11).
-
Ano ang “mapait na saro” na tinukoy ni Jesucristo? (Tingnan sa D at T 19:16–19.)
Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa liwanag na dumating sa iyong buhay nang sundin mo Siya. (Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang damdaming nadama nila sa lesson na ito at isulat ang mga ito sa kanilang sariling journal pag-uwi sa kanilang tahanan.)
Susunod na Unit (3 Nephi 11:18–16:20)
Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong sa pag-aaral nila ng susunod na unit: May itinuturing ba akong kaaway? Kung gayon, paano ko pinapakitunguhan ang mga taong ito? Anong mga katangian ang nadama ng Diyos na mahalaga sa aking buhay? Makatwiran ba na husgahan ang ibang tao? Mahahanap ng mga estudyante ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pag-aaral nila ng mga salita ng Tagapagligtas sa unit 25.