Home-Study Lesson
Alma 39–44 (Unit 20)
Pambungad
Tulad ng nakatala sa Alma 39–42, tinulungan ni Alma na maunawaan ni Corianton ang kabigatan ng seksuwal na kasalanan, ang mga doktrina na may kaugnayan sa pagkabuhay na mag-uli at Huling Paghuhukom, at ang mga walang hanggang bunga ng mga batas ng katarungan at awa. Ang lesson na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na maituro at maipaliwanag ang mga doktrinang ito sa isa’t isa.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Bago magklase, maghanda ng mga handout na naglalaman ng mga instruksyon para sa lesson na ito. Maging pamilyar sa mga instruksyon para matulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa kanilang pagsisikap na magturo sa isa’t isa.
Alma 39–41
Itinuro ni Alma na ang pagsisisi ay nagdudulot ng kaligayahan
Simulan ang klase sa pagpapabigkas nang sabay-sabay sa mga estudyante ng Alma 39:9, isang scripture mastery passage na ipinapasaulo sa kanila bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa linggong ito. Itanong kung sino ang maaaring magpaalala sa klase kung bakit pinayuhan ni Alma ang kanyang anak na si Corianton na magsisi at talikuran ang kanyang mga kasalanan sa talatang ito.
Ipaalala sa mga estudyante na sa Alma 40–41, sinagot ni Alma ang mga inaalala ni Corianton tungkol sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay at Huling Paghuhukom. Para matulungan ang mga estudyante na matutuhan at maibahagi ang kanilang nadarama at patotoo tungkol sa mga katotohanang matatagpuan sa Alma 39–41, isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong at scripture reference bago magsimula ang klase:
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay mga missionary sila at may appointment sila na turuan ang isang taong naghahanap ng mga sagot sa mga tanong na ito. Sabihin sa kanila na bibigyan sila ng oras na makapaghanda, at pagkatapos ay may pagkakataon sila na sagutin ang ilan sa mga tanong na ito gamit ang natutuhan nila mula sa Alma 39–41.
Kung sapat ang dami ng iyong estudyante, pagpartner-partnerin sila bilang magkompanyon na missionary. Mag-assign sa bawat magkompanyon ng isa sa mga tanong na nasa pisara. (Kung kaunti ang iyong estudyante, maaari mong i-assign ang mga tanong sa bawat isa sa kanila.) Bigyan ang bawat magkapartner ng isang kopya ng mga instruksyon sa ibaba, at sabihin sa kanila na gamitin ang mga scripture reference para masagot ang mga tanong ng kanilang investigator. Bigyan ang mga estudyante ng oras na marebyu ang mga talata at makapaghanda ng maikling lesson para sa kanilang investigator. Hikayatin ang mga magkompanyon na pagpasiyahan nila kung aling bahagi ng mga instruksyon ang ituturo ng bawat isa sa kanila.
Sa paghahanda ng mga estudyante, maaari mong puntahan ang bawat magkompanyon para mapakinggan mo ang pinag-uusapan nila at makatulong kung kinakailangan. Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga doktrina sa Alma 39–41 na makatutulong sa pagsagot sa mga tanong na naka-assign sa kanila. Gamitin ang mga sumusunod na doktrina bilang gabay:
Ang kasalanang seksuwal ay karumal-dumal sa paningin ng Paningin ng Panginoon (tingnan sa Alma 39:1–9).
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay ang pagsasamang muli ng ating espiritu at katawan, at manunumbalik ang lahat ng bagay sa kanilang wasto at ganap na anyo (tingnan sa Alma 40:21–26).
Manunumbalik sa atin ang kaligayahan o kalungkutan ayon sa ating mga ginawa at mga hinangad sa mortalidad (tingnan sa Alma 41:1–7).
Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan (tingnan sa Alma 41:10–15).
Mga Instruksyon
Maghandang gawin ang mga sumusunod sa pagtuturo mo:
-
Magbigay ng ilang pinagmulang impormasyon tungkol sa mga talatang ito (tulad ng pagpapaliwanag kung sino ang nagsalita, kanino nagsalita, at bakit).
-
Basahin ang mga bahagi ng scripture passage na ibinigay para matulungan kang sagutin ang tanong na naka-assign sa iyo.
-
Isulat ang doktrina o alituntunin na itinuro sa mga talatang napag-aralan mo na angkop sa tanong na naka-assign sa iyo.
-
Ipaliwanag kung paano nakatulong ang doktrina o alituntunin na isinulat mo para masagot ang tanong na naka-assign sa iyo. Maaari mong imungkahi sa mga tinuturuan mo na isulat ang doktrina o alituntuning ito sa kanilang banal na kasulatan.
-
Ibahagi kung bakit mahalaga sa iyo ang doktrina o alituntuning ito, at patotohanan ang mga katotohanang itinuro mo.
Matapos maihanda ng mga estudyante ang sagot sa mga tanong na naka-assign sa kanila, hatiin sila sa maliliit na grupo para magturo sila sa isa’t isa. (Kung maliit ang iyong klase, paturuin ang bawat estudyante o magkompanyon sa buong klase.) Matapos magturo sa isa’t isa ang mga estudyante, itanong sa klase ang mga sumusunod:
-
Kapag inisip ninyo ang mga kasalanan ni Corianton, bakit sa inyong palagay makatutulong sa kanya ang mga doktrinang ito?
-
Bakit mahalagang maipaliwanag ang mga katotohanang ito sa mga makakasalamuha ninyo sa inyong buhay?
-
Bakit mahalagang maunawaan at maipamuhay ninyo ang mga katotohanang ito?
Alma 42
Itinuro ni Alma kay Corianton ang tungkol sa katarungan at awa
Magdrowing sa pisara ng isang set ng scale o iskala. Sabihin sa isang estudyante na ituro ang mga konsepto ng katarungan at awa sa klase gamit ang drowing at kung ano ang natutuhan niya sa mga tagubilin ni Alma kay Corinaton sa Alma 42. Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Alma 42 sa kanilang banal na kasulatan at hanapin ang mga parirala at pahayag tungkol sa katarungan at awa na minarkahan o sinalungguhitan nila.
Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga kondisyon para matamo ang awa, itanong ang mga sumusunod:
-
Ano ang kailangang gawin ni Jesucristo upang maipagkaloob ang awa sa atin?
-
Ano ang dapat nating gawin para matanggap ang awa?
Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi kung bakit sila nagpapasalamat para sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Alma 43–44
Ang pakikinig at pagsunod sa mga payo ng propeta ay pumoprotekta sa atin laban sa kaaway
Kung may oras pa, maaari mong sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang natutuhan nila sa Alma 43–44 at ibahagi ang isinulat nila sa kanilang scripture study journal tungkol sa kanilang mga espirituwal na pakikibaka (day 4, assignment 3 at 4). Patotohanan si Jesucristo at ang Kanyang kapangyarihan na magkaloob ng awa kapag nagsisi tayo at ang kanyang kapangyarihan na protektahan tayo kapag lumapit tayo sa Kanya.
Susunod na Unit (Alma 45–63)
Bakit lubos na nagtagumpay ang mga Nephita laban sa kanilang mga kaaway? Paano sila nakipaglaban sa lakas ng Panginoon? Ang mga sagot ay matatagpuan sa pag-aaral nila ng mga halimbawa ni Kapitan Moroni at ni Helaman at ng kanyang mga kabataang mandirigma.