Library
Mga Aktibidad para sa Scripture Mastery


Mga Aktibidad para sa Scripture Mastery

Pambungad

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng ilang ideya na magagamit mo para matulungan ang mga estudyante na maisaulo at maunawaan ang mahahalagang scripture passage. Kapag tinulungan at hinikayat mo ang mga estudyante na matamo ang mga kakayahang ito, tinutulungan mo sila na maging self-reliant sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Magagamit ng mga estudyante ang mga mastery skill na ito sa kanilang buong buhay para mas mahanap, maunawaan, maisabuhay, at maisaulo ang mga talata sa mga banal na kasulatan. Ang mga ideya sa pagtuturo para sa bawat elemento ng scripture mastery ay nakalista sa ibaba. Ang paggamit sa iba’t ibang uri ng mga aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maisaulo at maunawaan ang mga scripture passage.

Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Mahanap ang mga Scripture Mastery Passage

Pagmamarka ng mga Scripture Passage

Ang pagmamarka ng mga scripture mastery passage ay makatutulong sa mga estudyante na maalala ang mga ito at mahanap ito nang mas mabilis. Maaaring hikayatin ang mga estudyante na markahan ang mahahalagang scripture passage na ito sa kanilang banal na kasulatan sa paraang naiiba ang mga ito mula sa iba pang scripture passage na minamarkahan nila.

Alamin ang mga Aklat

Ang pagsasaulo sa mga pangalan at pagkakasunod-sunod ng mga aklat sa Aklat ni Mormon ay makatutulong sa mga estudyante na mas mabilis na mahanap ang mga scripture mastery passage. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga aktibidad na makatutulong sa mga estudyante na maging mas pamilyar sa mga aklat sa Aklat ni Mormon:

  • Hanapin ang Talaan ng mga Nilalaman o Table of Contents—Tulungan ang mga estudyante na mahanap ang talaan ng mga nilalaman o table of contents ng Aklat ni Mormon, na may pamagat na “Ang mga Pangalan at Pagkakaayos ng mga Aklat sa Ang Aklat ni Mormon.”

  • Kumanta ng Isang Awit—Ituro sa mga estudyante ang awit na “Mga Aklat sa Aklat ni Mormon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 63). Ipakanta ito nang paminsan-minsan sa kanila sa buong taon para matulungan silang matandaan ang mga pangalan at ang pagkakasunud-sunod ng mga aklat sa Aklat ni Mormon.

  • Gamitin ang mga Unang Titik—Isulat sa pisara ang mga unang titk ng mga aklat sa Aklat ni Mormon (1N, 2N, J, E, at iba pa). Sabihin sa mga estudyante na praktisin na sabihin ang mga pangalan ng mga aklat na tugma sa bawat titik. Ulitin ang aktibidad na ito hanggang sa mabigkas na nila ang mga pangalan ng mga aklat nang walang kopya.

  • Book Chase—Sabihin nang malakas ang isa sa mga aklat kung saan matatagpuan ang isang scripture mastery passage, at ipabuklat sa mga estudyante ang kanilang banal na kasulatan sa kahit anong pahina ng aklat na iyon. Orasan kung gaano katagal mahanap ng buong klase ang bawat aklat. Maaaring ulitin ang aktibidad na ito para maging mas mahusay ang mga estudyante sa pag-alaala at paghahanap ng mga aklat sa Aklat ni Mormon.

Maalala ang mga Reperensya at Nilalaman

Kapag nalaman ng mga estudyante ang lokasyon at nilalaman ng mga scripture mastery passage, matutulungan sila ng Espiritu Santo na maalala ang mga scripture reference kapag kinakailangan (tingnan sa Juan 14:26). Ang mga key word o mahahalagang salita o parirala, tulad ng “hahayo ako at gagawin” (1 Nephi 3:7) at “malayang makapipili” (2 Nephi 2:27), ay makatutulong sa mga estudyante na maalala ang nilalaman at turo tungkol sa doktrina ng bawat scripture passage. Ang mga sumusunod na pamamaraan ay makatutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga scripture mastery reference sa nilalaman o mga key word ng mga ito. (Maaari mong ipagpaliban ang mga aktibidad na may kompetisyon, pabilisan, o inoorasan hanggang sa huling bahagi ng taon, matapos maipakita ng mga estudyante na alam na nila kung saan mahahanap ang mga scripture mastery passage. Ang mga gayong aktibidad ay makatutulong sa kanila na madagdagan ang anumang natutuhan nila.)

  • Mga Reperensya at mga Key Word—Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang mga reperensya at mga key word ng bawat scripture mastery passage na nakalista sa mga scripture mastery card. (Maaaring umorder online ng mga scripture mastery card sa store.lds.org. Maaari mo ring pagawin ang mga estudyante ng kanilang sariling mga scripture mastery card.) Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang mga card kasama ang isang partner at pagkatapos ay bigyan ng quiz ang isa’t isa. Hikayatin ang mga estudyante na maging malikhain sa paraan ng pag-aaral nila at pagbibigay ng quiz sa isa’t isa. Habang nagiging mas mahusay sila sa mga scripture mastery passage, maaari mong sabihin sa kanila na gumamit ng mga clue na kinabibilangan ng konteksto o pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin mula sa mga scripture passage. Ang taong binibigyan ng quiz ay maaaring sumagot nang pasalita o maaaring isulat ito.

  • Mga Scripture Mastery Card—Ang aktibidad na ito ay magagamit upang maituro o marebyu ang isang set ng mga scripture mastery passage. Pumili ng ilang scripture mastery card, at maghanda na ipamahagi ito sa iyong mga estudyante. (Siguraduhin na marami kang kopya ng bawat card para mas maraming estudyante ang makatanggap ng magkakaparehong scripture mastery passage. Maaari mong bigyan ng sapat na card ang bawat estudyante para magkaroon sila ng dalawa o tatlong magkakaibang scripture passage.) Ipamigay ang mga ito sa klase. Bigyan ng oras ang mga estudyante na mapag-aralan ang scripture mastery passage, ang reference, mga key word o mahahalagang salita, ang konteksto, ang doktrina o alituntunin, at mga ideya para sa pagsasabuhay na nasa bawat card. Magbigay ng mga clue mula sa mga card (halimbawa, mga salita mula sa scripture mastery passage o mga key word, konteksto, doktrina o alituntunin, o pagsasabuhay). Ang mga estudyante na may clue sa card ay dapat tumayo at sabihin nang malakas ang scripture mastery reference.

  • Scripture Chase—Gumamit ng mga clue na tutulong sa mga estudyante na mabilis na mahanap ang mga talata sa kanilang banal na kasulatan. Para sa mga clue, maaari kang gumamit ng mga key word o mahahalagang salita, mga context statement o konteksto, mga doktrina at mga alituntunin, at mga ideya para sa pagsasabuhay mula sa mga scripture mastery card. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong mga clue. Ang scripture chase activity ay pag-uunahan ng mga estudyante na mahanap ang mga scripture passage na makatutulong sa kanila na makibahagi nang aktibo sa pag-aaral ng mga scripture mastery passage. Kapag ginamit ang scripture chase activity para makatulong sa scripture mastery, gawin ito sa paraang walang magdaramdam o magpapalayo sa Espiritu. Tulungan ang mga estudyante na igalang at ingatan ang kanilang banal na kasulatan o huwag masyadong makipagkumpetensya o makipagmataasan. Sabihin sa kanila na mas paghusayin pa ang kanilang sarili sa halip na makipagkumpetensya sa isa’t isa. Halimbawa, maaaring makipag-unahan sa kanilang titser ang mga estudyante, o magpabilisan sila upang makita kung ilang porsiyento ng klase ang makakahanap sa scripture passage sa itinakdang oras.

  • Story Chase—Magbigay ng mga clue sa pamamagitan ng paggawa ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng mga scripture mastery passage sa buhay araw-araw. Halimbawa, bilang clue sa 1 Nephi 3:7, maaari mong sabihing, “Alam ni John na iniutos ng Panginoon sa lahat ng karapat-dapat na binata na magmisyon, pero inaalala niya na makakahadlang ang pagiging mahiyain niya para makapaglingkod nang mahusay. Pagkatapos ay naalaala niya kung paano tumugon si Nephi sa mahirap na gawain na kunin ang mga laminang tanso. Nagkalakas ng loob si John at naniwala na maghahanda ang Panginoon ng paraan para sa kanya upang maging mahusay na missionary.” Kapag napakinggan na ng mga estudyante ang mga sitwasyon, sabihin sa kanila na maghanap ng nauugnay na mga scripture mastery passage sa kanilang banal na kasulatan.

  • Mga Quiz at mga Pagsusulit—Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na masubukan ang kanilang kakayahan sa pagsasaulo ng mga scripture mastery passage. Maaaring kasama sa mga clue ang mga key word o scripture reference, sipi mula sa mga talata, o mga sitwasyon na nagpapakita ng mga katotohanang itinuro sa mga scripture passage. Puwedeng sabihin, isulat sa pisara, o isulat sa papel ang mga quiz at mga pagsusulit. Pagkatapos mag-quiz o mag-test ang mga estudyante, ipartner ang mga estudyanteng may mataas na iskor sa mga estudyanteng may mababang iskor. Maaaring mag-tutor ang estudyanteng may mataas na puntos sa estudyanteng mas mababa ang puntos upang matulungan siya sa kanyang pag-aaral at maging mahusay. Bilang bahagi ng gawaing ito, maaaring magtakda ng mithiin ang magkapartner na makakuha ng mas mataas na pinagsamang iskor sa susunod na test o pagsusulit. Maaari kang gumawa ng chart o bulletin board kung saan maididispley ang mga mithiin ng mga estudyante at makikita ang kanilang pag-unlad.

Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maunawaan ang mga Scripture Mastery Passage

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita at mga Parirala

Ang pagbibigay-kahulugan sa mga salita at mga parirala sa mga scripture mastery passage (o pagtulong sa mga estudyante na maibigay ang ibig sabihin ng mga ito) ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng buong scripture passage. Kapag ang mga gayong kahulugan ay mahalaga sa pag-unawa sa mga doktrina at mga alituntunin sa isang scripture passage, maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang ibig sabihin ng mga ito sa kanilang banal na kasulatan. Rebyuhin ang ibig sabihin ng mga salita at mga parirala kapag nirerebyu ninyo ang mga scripture mastery passage.

Pagtukoy sa Konteksto

Ang pagtukoy sa konteksto ng isang scripture passage ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang ibig sabihin ng scripture passage. Kabilang sa konteksto ang impormasyon tungkol sa kung sino ang nagsasalita kanino at kung bakit, ang tagpo o lokasyon ng scripture passage (historikal, kultural, at heograpikal), at ang tanong o sitwasyon kung saan nagmula ang scripture passage. Halimbawa, kabilang sa konteksto ng 1 Nephi 3:7 ang katotohanan na iniutos kay Nephi ng kanyang amang si Lehi, na isang propeta, na bumalik sa Jerusalem at kunin ang mga laminang tanso. Kapag nalaman ng mga estudyante ang impormasyong ito, makatutulong ito sa kanila na mas malinaw na maunawaan kung bakit sinabi ni Nephi na, “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” Kapag nagturo ka ng mga lesson na kinabibilangan ng mga scripture mastery passage, bigyang-diin ang konteksto na may kaugnayan sa mga scripture passage na iyon. Ang mga karagdagang aktibidad tulad ng sumusunod ay makatutulong din sa mga estudyante na maunawaan ang mahahalagang scripture passage na ito.

  • Tukuyin ang Konteksto—Isulat ang mga sumusunod na heading sa itaas na bahagi ng pisara: Tagapagsalita, Tagapakinig, Layunin, Iba pang Makatutulong na Impormasyon. Igrupo ang mga estudyante, at i-assign sa bawat grupo ang isang scripture mastery passage. Sabihin sa kanila na alamin ang konteksto ng mga scripture passage na naka-assign sa kanila sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga impormasyon na nauugnay sa mga heading sa pisara. Ipasulat sa pisara ang mga nalaman nila. Pagkatapos ay sabihin sa bawat grupo na ipaliwanag ang konteksto ng mga scripture passage na naka-assign sa kanila at kung paano nakakaapekto ang impormasyong ito sa kanilang pag-unawa sa mga katotohanan sa bawat scripture passage. Para lalo pang maging kasiya-siya ang aktibidad na ito, maaari mong hamunin ang klase na hulaan ang mga scripture mastery reference batay sa mga paglalarawan sa pisara bago magpaliwanag ang bawat grupo tungkol sa mga isinulat nila.

Pagsusuri

Ang pagsusuri ay kinabibilangan ng pagtukoy sa mga doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture passage. Kabilang din dito ang pagtulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano nauugnay ang mga katotohanang ito sa kanila. Maaaring humantong ito sa mas malalim na pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin. Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na masuri ang mga scripture mastery passage:

  • Sumulat ng mga Clue—Kapag naging mas pamilyar na ang mga estudyante sa mga scripture mastery passage, sabihin sa kanila na gumawa ng mga tanong, sitwasyon, o iba pang mga clue na naglalarawan sa mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture passage. Magagamit ang mga ito sa pagbibigay ng quiz sa klase.

Pagpapaliwanag

Ang pagtutulot sa mga estudyante na ipaliwanag ang mga scripture passage ay magpapalalim ng kanilang pag-unawa at magpapahusay sa kanilang kakayahan na ituro ang mga doktrina at mga alituntunin mula sa banal na kasulatan. Ang sumusunod ay dalawang pamamaraan na makatutulong sa mga estudyante na matutuhan na ipaliwanag ang mga scripture mastery passage:

  • Mahahalagang Salita at Parirala—Ipabasa sa mga estudyante ang pare-parehong scripture mastery passage at sabihin sa kanila na tukuyin ang isang salita o parirala na sa tingin nila ay napakahalaga sa ibig sabihin ng scripture passage. Pagkatapos ay sabihin sa isang estudyante na basahin ang scripture passage sa klase at bigyang-diin ang salita o parirala na pinili niya. Sabihin sa estudyante na ipaliwanag kung bakit mahalaga ang salita o parirala para maunawaan ang scripture passage. Sabihin sa ilang estudyante na gawin din ito. Maaaring pumili ang mga estudyante ng ibang mga salita o mga parirala para sa parehong scripture passage. Kapag nakarinig ng iba’t ibang pananaw ang mga miyembro ng klase, magkakaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa scripture passage.

  • Maghanda ng Isang Debosyonal—Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na magamit ang mga scripture mastery passage kapag naghahanda at nakikibahagi sila sa mga debosyonal sa simula ng klase. Tulungan sila na maihanda na maibuod ang konteksto, maipaliwanag ang mga doktrina at mga alituntunin, magbahagi ng mga makabuluhang karanasan o halimbawa, at patotohanan ang mga doktrina at mga alituntunin na nasa mga scripture passage. Maaari mo ring imungkahi na gumamit ang mga estudyante ng object lesson para maipaliwanag ang mga ideya sa mga scripture passage.

Madama ang Kahalagahan ng mga Doktrina at mga Alituntunin

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture mastery passage at magkaroon ng patotoo tungkol dito. Ipinaliwanag ni Elder Robert D. Hales, “Ang isang tunay na titser, kapag naituro na niya ang mga katotohanan [ng ebanghelyo] … , ay pinag-iibayo pa ang pagtuturo sa [mga estudyante] upang sila ay magkaroon ng patotoo at makaunawa ang kanilang puso na hahantong sa pagkilos at paggawa” (“Teaching by Faith” [address to CES religious educators, Peb.1, 2002], 5, si.lds.org). Kapag nadama ng mga estudyante ang katotohanan, kahalagahan, at pangangailangan sa isang doktrina o alituntunin sa pamamagitan ng impluwensya ng Banal na Espiritu, mag-iibayo ang kanilang pagnanais na ipamuhay ang katotohanang iyon. Matutulungan ng mga titser ang mga estudyante na maanyayahan at mapag-ibayo ang mga nadaramang ito na mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataon na maibahagi ang mga karanasan nila sa pagsasabuhay sa mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga scripture mastery passage. Makatutulong ito sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga katotohanang itinuro sa mga scripture mastery passage at makatitiyak na ang mga katotohanang ito ay naisulat sa puso ng mga estudyante. Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture mastery passage:

  • Pakinggan ang mga Scripture Passage—Sabihin sa mga estudyante na pakinggan ang mga scripture mastery passage sa mga mensahe at lesson sa simbahan, sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensiya, at sa pakikipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan. Paminsan-minsan sabihin sa mga estudyante na ireport kung aling mga scripture passage ang narinig nila, kung paano ginamit ang mga ito, anong mga katotohanan ang itinuro, at ano ang mga karanasan nila o ng iba sa mga katotohanang itinuro. Maghanap ng mga pagkakataon na magpatotoo (at anyayahan ang mga estudyante na magpatotoo) sa mga katotohanang itinuro ng mga scripture mastery passage.

Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maipamuhay ang mga Scripture Mastery Passage

Pagtuturo

Ang mga scripture mastery passage at ang mga Pangunahing Doktrina ay binuo nang magkasama at nilayong pag-ugnayin para makatulong sa mga estudyante. (Ang mga scripture mastery passage ay ipinakita sa dokumentong tungkol sa mga Pangunahing Doktrina.) Kapag natutuhan at naipahayag ng mga estudyante ang mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob sa mga scripture mastery passage, matututuhan at maipahahayag din nila ang mga Pangunahing Doktrina. At habang natututo ang mga estudyante na ipahayag ang mga Pangunahing Doktrina sa kanilang sariling mga salita, maaari silang umasa sa mga naisaulo o nakabisado na scripture mastery passage para tulungan sila. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na magturo ng mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo gamit ang mga scripture mastery passage ay magpapaibayo sa kanilang tiwala sa kanilang sarili at sa kanilang kaalaman sa mga banal na kasulatan. Kapag nagturo at nagpatotoo ang mga estudyante tungkol sa mga doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture mastery passage, napapalakas din nila ang kanilang sariling mga patotoo. Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang mga scripture mastery passage para maituro at maipaliwanag ang ebanghelyo sa klase at sa kanilang pakikipag-usap sa mga kaibigan, kapamilya, at sa iba pa.

  • Magpahayag ng Mensahe—Sabihin sa mga estudyante na maghanda ng 3 hangang 5 minutong mensahe o lesson batay sa mga scripture mastery passage. Sabihin sa kanila na ihanda ito sa klase o sa bahay. Dagdag pa sa mga scripture mastery passage, maaari nilang gamitin ang iba pang mga resources para matulungan silang maghanda, tulad ng mga scripture mastery card, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo. Bawat mensahe o lesson ay dapat may pambungad, scripture mastery passage, kuwento tungkol sa alituntuning itinuturo o halimbawa nito, at patotoo ng estudyante. Maaaring mag-volunteer ang mga estudyante na ihayag ang kanilang mensahe sa klase, sa family home evening, o sa kanilang mga korum o klase bilang bahagi ng kanilang Tungkulin sa Diyos o Pansariling Pag-unlad. Kapag inihayag ng mga estudyante ang kanilang mga mensahe o lesson sa labas ng klase, maaari silang anyayahan na ibahagi ang karanasan nila tungkol dito.

  • Pagganap Bilang Missionary—Maghanda ng ilang card na may mga tanong na maaaring itanong ng isang investigator na masasagot gamit ang tulong ng mga scripture mastery passage (halimbawa, “Ano ang pinaniniwalaan ng mga miyembro ng inyong simbahan tungkol kay Jesucristo?”). Sabihin sa magkakapartner na mga estudyante na pumunta sa harapan ng klase para sagutin ang tanong na napili mula sa mga card. Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano maaaring sagutin ng mga missionary ang kaparehong tanong, maaari mong imungkahi ang ilang epektibong pamamaraan sa pagtuturo, tulad ng (1) paghahayag sa konteksto ng scripture passage, (2) pagpapaliwanag sa doktrina o alituntunin, (3) pagtatanong para malaman kung nakauunawa ang mga tinuturuan o kung naniniwala sila sa mga itinuro, (4) pagbabahagi ng mga karanasanan at patotoo, at (5) pag-anyaya sa mga tinuturuan nila na kumilos ayon sa katotohanan na itinuro. Sabihin sa klase na magbigay ng feedback tungkol sa nagustuhan nila sa paraan ng pagsagot ng bawat magkompanyon sa kanilang tanong.

  • Magpatotoo—Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang mga scripture mastery passage at pumili ng isa na naglalaman ng doktrina o alituntunin na mapapatotohanan nila. Anyayahan sila na magpatotoo sa katotohanang pinili nila at magbahagi ng mga karanasan na naghikayat sa kanila na patotohanan ito. Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang patotoo, pagtitibayin ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga doktrina o alituntunin na pinatototohanan nila. Maaari ding magbigay-inspirasyon ang kanilang mga patotoo sa ibang tao na maghihikayat sa mga ito na kumilos nang may pananampalataya.

    Paalala: Dapat boluntaryo ang pagbabahagi ng mga estudyante ng kanilang mga patotoo. Hindi kailanman dapat pilitin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga patotoo o maiparamdam na kailangan nilang maipakita na may kaalaman sila gayong wala naman sila nito. Dagdag pa rito, ang ilang estudyante ay nag-aalangan na ibahagi ang kanilang mga patotoo dahil akala nila ay dapat nilang simulan ito sa pagsasabing “Gusto kong magpatotoo …” o ang pagpapatotoo nila ay dapat kakitaan ng matinding emosyon. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag nagpatotoo sila, maaari nilang simpleng ibahagi ang mga doktrina o mga alituntunin na alam nilang totoo. Ang pagbabahagi ng patotoo ay maaaring kasing simple lamang ng pagsasabing “Naniniwala ako na totoo ito” o “Alam ko na ito ay totoo” o “Pinaniniwalaan ko ito nang buong puso ko.”

Pagsasabuhay

Ang pagmumungkahi sa mga estudyante ng mga paraan na maisabuhay o maipamuhay ang mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob sa mga scripture passage (o paghikayat sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan) ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinabi ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang isang nag-aaral na ginagamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkilos [nang] naaayon sa mga tamang alituntunin ay binubuksan ang kanyang puso para sa Espiritu Santo at inaanyayahan ang Kanyang kapangyarihan na magturo at magpatotoo, at nagpapatunay na pagsaksi. Ang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangailangan ng pagsisikap sa espiritu, kaisipan, at katawan at hindi pagtanggap lamang [nang walang gagawin]. Sa katapatan at patuloy na paggawa nang may pananampalataya naipapakita natin sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, na tayo ay handang matuto at tumanggap ng tagubilin mula sa Espiritu Santo” (“Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 20).

Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na magbahagi at magpatotoo sa mga karanasan nila sa pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin. Ang sumusunod ay isang paraan para mahikayat ang mga estudyante na isabuhay o ipamuhay ang mga scripture mastery passage:

  • Magtakda ng mga Mithiin—Batay sa bahaging pagsasabuhay sa mga scripture mastery card, sabihin sa mga estudyante na magtakda ng mga partikular na goal o mithiin para mas maipamuhay ang mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture mastery passage. Ipasulat sa isang papel ang kanilang mga mithiin na madadala nila bilang isang paalala. Kung naaangkop, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga nagawa nila.

Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maisaulo ang mga Scripture Mastery Passage

Pagsasaulo

Ang pagsasaulo ng mga scripture passage ay magpapalalim ng pag-unawa at magpapahusay sa kakayahan ng estudyante na magturo ng ebanghelyo. Kapag naisaulo ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, maipapaalala sa kanila ng Espiritu Santo ang mga parirala at mga ideya kapag kailangan nila ito (tingnan sa Juan 14:26; D at T 11:21). Tandaan na iakma ang mga aktibidad para sa pagsasaulo sa kakayahan ng iyong mga estudyante. Hinikayat ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan nang sabihin niya:

“Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng bagong pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago” (“Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 6).

Ang bawat isa sa mga sumusunod na aktibidad ay maaaring ulitin nang ilang sunud-sunod na araw sa simula o pagtatapos ng klase para matulungan ang mga estudyante na maisaulo ito habang buhay:

  • One-Word Race—Hamunin ang klase na magbigkas ng isang scripture mastery passage na ang bawat estudyante ay magsasabi ng isang salita. Halimbawa, sa pagtulong sa mga estudyante na maisaulo ang Alma 39:9, sasabihin ng unang estudyante ang salitang ngayon, sasabihin ng pangalawang estudyante ang anak, sasabihin ng pangatlong estudyante ang ko, at magpapatuloy hanggang makumpleto ang scripture passage. Orasan ang klase, at ipaulit ito sa kanila nang maraming beses para magawa ito sa oras na itinakda. Kapag inulit mo ang aktibidad na ito, maaaring iba-ibahin ang pagkakasunod-sunod ng mga estudyante para iba-ibang salita ang masabi nila.

  • Mga Unang Titik—Isulat sa pisara ang mga unang titik ng bawat salita ng scripture mastery passage. Ituro ang mga titik habang inuulit ng klase ang scripture passage kasabay mo, gamit ang kanilang banal na kasulatan kung kailangan. Ulitin ang aktibidad na ito hanggang magkaroon ang mga estudyante ng tiwala sa kanilang kakayahan na bigkasin ang isang scripture passage gamit lamang ang tulong ng mga unang titik. Maaari mong burahin ang ilan sa mga titik kapag nabigkas ng mga estudyante ang scripture passage. Mas makahihikayat ito hanggang maulit ng mga estudyante ang scripture passage nang hindi ginagamit ang mga unang titik.

  • Wordstrip Puzzles—Magsulat, o pagsulatin ang mga estudyante, ng mga salita sa isang scripture mastery passage sa isang papel. Gupitin nang mahaba at makitid ang papel nang hindi nagugupit ang mga salita ng scripture passage. Gupitin nang mas maikli ang ilan sa papel para maglaman lamang ng kaunting salita. Paghaluin ang mga ginupit na papel at ibigay ang mga ito sa magkakapartner o sa maliliit na grupo ng mga estudyante. Hikayatin ang mga estudyante na pagsunud-sunurin ang mga papel, gamit ang kanilang banal na kasulatan bilang gabay. Sabihin sa kanila na magpraktis hanggang sa hindi na nila kailangang tingnan ang kanilang banal na kasulatan. Pagkatapos nila, sabihin sa kanila na bigkasin nang malakas ang scripture passage. Maaari mo ring orasan ang mga estudyante para makita kung aling grupo ang magagawang pagsunud-sunurin nang tama at pinakamabilis ang mga papel. O maaari mong orasan ang buong klase para makita kung gaano katagal na makukumpleto ng mga grupo ang puzzle (kapag may unang natapos na mga grupo, sabihin sa kanila na tulungan ang mas mababagal na grupo).