Mga Mungkahi para sa mga Flexible Day
Ang pacing guide para sa mga daily teacher ay nakabatay sa isang 36-week o 180-day school year. Ang manwal na ito ay nagbibigay ng 160 daily lesson, na may 20 araw na walang materyal na ituturo. Ang 20 “flexible day” na ito ay dapat gamitin nang akma para sa mga makabuluhang mithiin at aktibidad, kabilang ang sumusunod:
-
Pag-aangkop ng mga daily lesson. Maaari kang gumugol ng ekstrang oras sa isang lesson na mas mahabang oras ang kailangan para maituro nang epektibo. Maaari mo ring gamitin ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo na nasa katapusan ng ilang mga lesson o maglaan ng oras para sagutin ang mga tanong ng mga estudyante tungkol sa isang partikular na scripture passage o paksa ng ebanghelyo. Ang mga flexible day ay nagtutulot sa iyo na magamit ang mga pagkakataong ito habang sinusunod mo ang iyong pacing schedule o regular na schedule at nagagawa ang iyong tungkuling ituro ang mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
-
Pagsaulo at pag-unawa sa mahahalagang scripture passage at mga Pangunahing Doktrina. Maaari mong gamitin ang mga aktibidad para sa pagrebyu ng mga scripture mastery passage na matatagpuan sa buong manwal at sa apendiks. Maaari kang gumawa ng mga karagdagang aktibidad sa pagrebyu ng scripture mastery na tutugon sa mga partikular na pangangailangan at interes ng mga estudyante sa iyong klase. Maaari mo ring gamitin ang bahagi ng isang flexible day para sa mga aktibidad na tutulong sa mga estudyante na marebyu at mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga Pangunahing Doktrina. Sa unang mga araw ng taon, maaari kang gumamit ng isang flexible day para maibigay ang Assessment para sa mga Pangunahing Doktrina (APD) na nilayon upang tulungan ang mga titser na malaman kung hanggang saan na ang naunawaan, paniniwala, kaalaman sa paggamit ng natutuhan, at kakayahan ng mga estudyante na maipaliwanag ang ilang pangunahing doktrina ng Simbahan. Upang mahanap ang Assessment para sa mga Pangunahing Doktrina at ang iba pang mga assessment sa S&I website (si.lds.org), mag-search gamit ang keyword na assessment. Tumutulong ang mga APD report sa mga titser na nagbigay ng assessment na masuri ang mga pangangailangan ng kanilang mga estudyante at maiakma ang pagtuturo para matugunan nang mas mabuti ang mga pangangailangang iyon.
-
Rebyuhin ang nakaraang materyal o lesson. Makatutulong sa mga estudyante na rebyuhin paminsan-minsan ang natutuhan nila sa mga nakaraang lesson o mula sa isang partikular na aklat sa banal na kasulatan. Maaari mo ring bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ipaliwanag ang isang katotohanan mula sa nakaraang lesson at ibahagi kung paano nakaimpluwensiya ang katotohanang iyan sa kanilang buhay. Maaari ka ring gumawa at magbigay ng quiz o learning activity bilang pagrebyu sa nakaraang materyal o lesson.
-
Pagtulot na makansenla ang iskedyul. Maaaring kailangan mong ikansela o iklian ang klase paminsan-minsan kapag may mga school activity o assembly, mga kaganapan sa komunidad, masamang panahon, at iba pa. Maaaring gamitin ang mga flexible day para mapunan ang nakanselang klase.