Lesson 2
Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Pambungad
Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pang-unawa sa mga layunin ng mga banal na kasulatan. Tutulong din ito na mapag-aralan nila ang mga banal na kasulatan sa mas makabuluhang paraan. Kabilang dito ang mga learning activity tungkol sa pag-unawa ng pinagbatayan [background] at pinangyarihan ng mga banal na kasulatan, pagtukoy at pag-unawa ng mga doktrina at alituntunin, at pagsasabuhay ng mga doktrina at alituntunin. Kapag pinaghusay ng mga estudyante ang kanilang kakayahan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, lalo nilang mamahalin ang mga banal na kasulatan at mas mauunawaan nila ang ebanghelyo. Mag-isip ng mga paraan para mapag-aralang muli ang mga materyal ng lesson na ito sa buong taon.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Paano tayo dapat mag-aral ng mga banal na kasulatan sa seminary?
Bago magklase, isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson. (Matatagpuan ang pahayag na ito sa pahina 107 ng Conference Report ng Oktubre 1970.)
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag.
-
Ayon sa pahayag na ito, ano ang dapat maging mithiin ko bilang inyong seminary teacher? Ano ang dapat maging mithiin ninyo bilang mga estudyante ng seminary?
Sabihin sa mga estudyante na sa lesson na ito, aalamin nila ang mga paraan para “pag-isipan, damhin, at pagkatapos ay gumawa ng paraan na maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo” na itinuro sa mga banal na kasulatan.
Pag-unawa sa pinagbatayan [background] at pinangyarihan ng mga banal na kasulatan
Ipaliwanag na ang isang bagay na magagawa ng mga estudyante para mapagbuti pa ang kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay ang pag-alam ng pinagbatayan [background] at pinangyarihan ng mga tala at paghahayag sa mga banal na kasulatan. Kadalasang tinatawag na konteksto ang pinagbatayan [background] at pinangyarihan.
Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na payo ni Pangulong Thomas S. Monson:
“Maging pamilyar sa mga aral na itinuturo ng mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang pinagbatayan at pinangyarihan ng mga talinghaga ng Guro at ng mga payo ng propeta. Pag-aralan ang mga ito na parang nangungusap ang mga ito sa inyo, dahil iyon ang totoo” (“Kayo ay Magpakahusay,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 68).
Ipaliwanag na kapag naunawaan natin ang background at pinangyarihan makatutulong ito sa atin na maunawaan ang mga turo sa mga banal na kasulatan. Nagbibigay ito ng mga impormasyon na naglilinaw at nagbibigay ng lalim sa pang-unawa sa mga tala, mga doktina, at mga alituntunin ng mga teksto ng mga banal na kasulatan.
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:
Ipaliwanag na ang mga tanong na ito ang tutulong sa atin na maunawaan ang konteksto ng isang turo o tala sa mga banal na kasulatan.
Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung ano ang mga ginawa nila para magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa pinagbatayan [background] at pinangyarihan ng mga scripture passage. Maaari mong ilista sa pisara ang ilan sa mga ideyang ito.
Maaaring banggitin ng mga estudyante ang mga gawaing tulad ng paghahanap ng kahulugan ng mga mahihirap at di-pamilyar na salita, pagsusuri sa kaugnay na teksto, pagbabasa ng mga chapter summary o buod ng kabanata sa simula ng mga kabanata, o pagtingin sa mga footnote para sa mga paliwanag at mga cross referrence. Tiyakin na banggitin ang mga kasanayang ito kung hindi nabanggit ang mga ito ng mga estudyante.
Para maipakita ang isang paraan ng pag-unawa ng konteksto ng mga banal na kasulatan, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 3 Nephi 17:1–10. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga sagot sa mga tanong na nakasulat sa pisara. Maaari mo rin silang hikayatin na tingnan ang chapter summary para madaling makita ang nilalaman ng kabanata.
-
Sino ang nagsasalaysay sa mga talata 1, 5–6, at 9–10? (Si Mormon.)
-
Sino ang nagsasalita sa talang ito? Sino ang tumatanggap ng mensahe?
-
Ano ang nangyari bago ang mga kaganapan sa talang ito? (Tingnan ang mga chapter summary ng 3 Nephi 8–16.) Paano nakatulong na alam ninyo ang pangyayari bago ang talang ito para mas maunawaan ninyo kung bakit gusto ng mga tao na manatili pa nang mas matagal ang Tagapagligtas? (Tingnan sa 3 Nephi 17:5–6.) Anong mga himala ang naganap matapos Niyang sabihin na mananatili Siya? (Tingnan sa 3 Nephi 17:7–10.)
Pagtukoy at pag-unawa sa mga doktrina at alituntunin
Bigyang-diin na kapag naunawaan ng mga estudyante ang pinagbatayan at pinangyarihan ng isang tala sa mga banal na kasulatan, mas natutukoy at nauunawaan nila ang mga doktrina at alituntunin na nilalaman nito. Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na paglalarawan ng mga alituntunin ng ebanghelyo, na ibinahagi ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ang mga alituntunin ay mga makapangyarihang katotohanan, na inihahayag sa paraang maipapamuhay ang mga ito sa iba’t ibang sitwasyon” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” Ensign, Nob. 1993, 86).
Ipaliwanag na ang mga doktrina at mga alituntunin ay mga walang hanggan at mga hindi nagbabagong katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo na nagbibigay ng direksyon sa ating mga buhay. Ang mga ito ay mga aral na nais ng mga sinaunang propeta na matutuhan natin mula sa mga pangyayari, mga kuwento, at mga sermon na itinala nila sa mga banal na kasulatan. Ipaliwanag na ang ilang manunulat ng mga banal na kasulatan ay gumamit ng pariralang tulad ng “sa gayon nakikita natin” (tingnan sa Helaman 3:27–29) o mga salitang tulad ng kaya nga (tingnan sa Alma 32:16) para direktang tukuyin ang mga doktrina at mga alituntunin. Gayunman, maraming mga doktrina at alituntunin ang hindi direktang inihayag sa mga banal na kasulatan. Sa halip, ang mga katotohanang ito ay ipinapakita at inilalarawan sa buhay ng mga tao sa mga banal na kasulatan.
Para matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga doktrina at mga alituntunin na hindi direktang inihayag, imungkahi na kapag nagbabasa sila, itanong nila sa kanilang sarili ang mga sumusunod: Ano ang mensahe ng kuwentong ito? Ano ang nais ng may-akda na matutuhan namin mula sa kuwentong ito? Anong mga katotohanan ang itinuturo sa scripture passage na ito? Maaari mong ilista sa pisara ang mga tanong na ito.
Para tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga doktrina at alituntunin, pabalikin sila sa 3 Nephi 17:1–10. Itanong:
-
Mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 17:2–3, ano ang matututuhan natin tungkol sa pag-unawa ng Kanyang salita?
-
Anong mga katotohanan ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas sa 3 Nephi 17:5–7?
-
Bilang tugon sa dakilang pananampalataya ng mga tao, sinabi ng Tagapagligtas na pagagalingin Niya sila. Sa 3 Nephi 17:8–9, anong mga alituntunin ang nakita ninyo tungkol sa paghiling ng mga pagpapala mula sa Panginoon? (Ang isang alituntunin na maaaring matukoy ng mga estudyante ay tumutugon ang Panginoon sa ating matapat na hangaring mapalapit sa Kanya.)
Kung may oras pa para makapagpraktis ang mga estudyante sa pagtukoy ng mga doktrina at mga alituntunin, sabihin sa kanila na hanapin ang kanilang mga paboritong kuwento sa mga banal na kasulatan. Sabihin sa kanila na tukuyin ang mga alituntunin na natutuhan nila mula sa mga kuwentong iyon. Pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi ang mga kuwento at mga alituntunin na natutuhan nila.
Pagsasabuhay ng mga doktrina at alituntunin
Sinabi ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ang totoong doktrina, na naunawaan, ay nagpapabago ng ugali at gawi. Ang pag-aaral ng mga doktrina ng ebanghelyo ay mas mabilis magpabuti ng ugali kaysa pag-aaral ng pag-uugali. … Iyan ang dahilan kung bakit ganoon katindi ang pagbibigay-diin namin sa pag-aaral ng doktrina ng ebanghelyo” (“Little Children,” Ensign, Nob. 1986, 17).
Ipaliwanag na kapag nauunawaan natin ang isang doktrina o alituntunin, hindi lang kahulugan ng mga salita ang nalalaman natin. Nalalaman din natin kung ano ang kahalagahan ng doktrina o alituntunin sa ating buhay. Kapag natukoy at naunawaan natin ang isang doktrina o alituntunin, maisasabuhay natin ito. Ipaliwanag na naisasabuhay natin ang isang alituntunin kapag may ginawa tayong may kinalaman sa alituntuning natutuhan natin. Ang mga estudyanteng kumikilos ayon sa mga alituntuning natutuhan nila ay magkakaroon ng mas maraming pagkakataon na madamang pinatototohanan ng Banal na Espiritu ang katotohanan ng mga alituntuning iyon (tingnan sa 2 Nephi 32:5; Moroni 10:5). Ito ang tunay na halaga ng kaalamang nakukuha mula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na tuwing nag-aaral sila ng mga banal na kasulatan—sa bahay, sa simbahan, sa seminary, o sa paggawa ng Pansariling Pag-unlad o Tungkulin sa Diyos man, o sa kahit saanmang lugar—ang isa sa mga dapat nilang maging pangunahing layunin ay ang mapagbuti ang kanilang mga pagsisikap na ipamuhay ang ebanghelyo at mapalapit sa Diyos.
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang mga alituntuning natuklasan nila sa mga banal na kasulatan, hikayatin silang magdasal para matulungan sila ng Espiritu Santo sa kanilang personal na pag-aaral. Hikayatin din silang magtanong kapag nag-aaral sila gaya ng mga sumusunod: Ano kaya ang nais ng Diyos na gawin ko sa kaalamang ito? Anong kaibhan ang magagawa nito sa buhay ko? Ano ang sisimulan o ititigil kong gawin ngayon upang maging mas mabuti ang aking buhay? Paano magiging mas mabuti ang aking buhay kung gagawin ko ito? (Maaari mong isulat ang ilan o lahat ng mga tanong na ito sa pisara. Maaari mo ring imungkahi sa mga estudyante na isulat ang mga tanong na ito sa kanilang scripture study journal para magamit nila ang mga ito nang madalas.)
Sa pagtatapos ng lesson, pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa kanila na ibahagi sa isa’t isa ang mga alituntunin na natutuhan nila ngayon mula sa 3 Nephi 17:1–10. Hikayatin sila na pag-usapan kung ano ang ginawa nila para maunawaan ang mga alituntuning ito at kung ano ang gagawin nila para maipamuhay ang mga natutuhan at nadama nila. Sabihin sa kanila na pag-usapan kung paano mababago ang buhay nila sa pagsunod sa mga alituntuning ito.