Home-Study Lesson
Eter 13–Moroni 7:19 (Unit 31)
Pambungad
Bibigyang-diin sa lesson ngayon ang mga dahilan sa pagdalo sa mga pulong ng Simbahan at kung bakit kailangang dumalo ng bawat isa sa atin sa mga pulong na ito. Hihikayatin din nito ang mga estudyante sa kanilang determinasyon na mahiwatigan ang mabuti at masama at masigasig na saliksikin ang Liwanag ni Cristo upang makagawa ng mabuting paghatol.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Eter 14–15
Itinala ni Moroni ang wakas ng sibilisasyon ng mga Jaredita
Isulat ang 2,000,000 sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano karami ang dalawang milyon kumpara sa bilang ng mga tao na nakatira sa kanilang lunsod. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Eter 15:1–2 habang inaalam ng klase ang nangyari sa dalawang milyong Jaredita.
Itanong kung sino sa mga estudyante ang makapagbubuod ng mga pangyayari na humantong sa pagkalipol ng mga Jaredita tulad ng nakatala sa Eter 14–15. Kung nahihirapang sumagot ang mga estudyante, sabihin sa kanila na basahing muli ang mga sumusunod na scripture passage: Eter 14:5–10, 24; 15:1–6, 19, 22.
Itanong: Ano ang ilang lesson na matututuhan natin mula sa pagkalipol ng mga Jaredita?
Ang dalawang katotohanang ito ay nabigyang-diin sa mga lesson ng mga estudyante sa buong linggo: (1) Kung hindi natin pakikinggan ang babala ng Panginoon na magsisi, aalis ang Kanyang Espiritu at magkakaroon ng kapangyarihan si Satanas sa ating puso. (2) Ang galit at paghihiganti ay nagtutulak sa mga tao na gumawa ng mga bagay na nakasasakit sa kanilang sarili at sa iba.
Itanong: Ano ang ilang sitwasyon kung saan magagamit ang lesson na ito sa buhay ng isang kabataan sa panahong ito?
Moroni 1–3
Nagpatotoo si Moroni na hindi niya itatatwa ang Cristo
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Moroni 1:1–4. Pagkatapos ay itanong sa klase ang mga sumusunod:
-
Bakit papatayin ng mga Lamanita si Moroni?
-
Ano ang ipinapakita nito tungkol sa pananampalataya at tapang ni Moroni? Paano tayo magkakaroon ng ganoong matibay na patotoo tungkol kay Jesucristo?
Moroni 4–6
Itinala ni Moroni ang mga panalangin sa sakramento, ang mga kwalipikasyon para mabinyagan, at ang mga dahilan para sa mga pagpupulong sa Simbahan
Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Dahilan ng pagpunta ko sa simbahan tuwing Linggo. Sabihin sa mga estudyante na saliksikin ang Moroni 4–6 at maghanda ng isa hanggang dalawang minutong sagot sa pahayag na ito sa pamamagitan ng pagsulat ng ilang tala sa kanilang scripture study journal. Hikayatin sila na isama sa kanilang sagot ang kahit dalawa sa mga sumusunod (maaari mong isulat sa pisara ang mga ito o gawing handout):
-
Isang scripture passage mula Moroni 4–6 na nagpapaliwanag ng isang dahilan kung bakit nagtitipun-tipon nang magkakasama ang mga miyembro sa simbahan.
-
Isang doktrina o alituntunin na nagpapaliwanag kung bakit dapat tayong dumalo sa mga pulong ng Simbahan.
-
Isang personal na karanasan na nagpapakita kung bakit dapat tayong dumalo sa mga pulong ng Simbahan.
-
Isang personal na patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagdalo sa mga pulong ng Simbahan.
Pagkatapos ng sapat na oras na naihanda na ng mga estudyante ang kanilang sagot, tawagin ang ilan sa kanila na magbahagi ng kanilang sagot sa klase.
Matapos maibahagi ng mga estudyante ang natutuhan nila, idagdag ang iyong patotoo sa mga katotohanang natukoy nila at sa kahalagahan ng pagtitipun-tipon nang magkakasama at nang regular sa mga pulong ng Simbahan.
Moroni 7:1–19
Itinuro ni Mormon kung paano matutukoy ang mabuti at masama
Bago magklase, lagyan ng tubig ang isang baso at lagyan ang isa pang baso ng pinaghalong tubig at puting suka (o asin). Dapat pareho ang hitsura ng mga baso. Sabihin sa klase na may dalawa kang baso ng tubig na tila magkapareho, pero ang isa sa mga ito ay lasang maasim (o maalat). Magtawag ng isang estudyante na magboboluntaryo kung alin sa mga baso ang may tubig na magandang inumin at aling sa mga baso ang may maasim (o maalat) na tubig (maaari nila itong gawin sa pagtikim o pag-amoy nito).
Itanong: Paano natin malalaman na masama ang isang bagay kahit hindi pa natin ito aktuwal na nasusubukan?
Ipaliwanag na sa kanyang talaan, isinama ni Moroni ang isang sermon mula sa kanyang ama, na si Mormon, na nagbibigay ng ideya tungkol sa tanong na ito. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Moroni 7:11–13, 15–16. Sabihin sa mga estudyante na pumili ng kahit isang parirala na napansin nila na nagpapaliwanag kung paano natin mahihiwatigan ang mabuti at masama. Bigyan ng pagkakataon ang ilang estudyante na maibahagi ang pariralang napili nila.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Moroni 7:19 at sabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ni Mormon na dapat nating gawin para mahiwatigan ang mabuti at masama.
Itanong: Ano ang ipinayo ni Mormon na gawin natin upang mahiwatigan natin ang mabuti at masama?
Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Kapag masigasig nating sinaliksik ang Liwanag ni Cristo, mahihiwatigan natin ang mabuti at masama.
Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:
-
Mula sa pag-aaral ninyo sa linggong ito, ano ang pagkaunawa ninyo sa Liwanag ni Cristo?
-
Kailan kayo tinulungan ng Liwanag ni Cristo na mahiwatigan ang mabuti at masama?
Bigyan ng isa o dalawang minuto ang mga estudyante na mailista ang kanilang mga paboritong TV show, kanta, grupo ng mang-aawit, Internet site, apps, video game, o personal na gamit. Sabihin sa kanila na gamitin ang Moroni 7:16–19 para malaman kung ang mga bagay na inilista nila ay tinutulungan sila na mas mapalapit sa Diyos o inilalayo sila mula sa Kanya.
Ipaalala sa mga estudyante ang paanyaya na natanggap nila sa kanilang pag-aaral sa linggong ito na alisin sa kanilang buhay ang mga bagay na iyon na hindi mabuti at “[manangan] sa bawat mabuting bagay” (Moroni 7:19). Maaari kang magbahagi ng isang pangyayari sa buhay mo noong sundin mo ang Liwanag ni Cristo at nahiwatigan ang mabuti at masama.
Susunod na Unit (Moroni 7:20–10:34)
Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong sa pag-aaral nila ng susunod na unit: Ano ang pag-ibig sa kapwa-tao? Paano magkakaroon ang isang tao ng pag-ibig sa kapwa-tao? Bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata o sanggol? Paano nanatiling tapat sina Mormon at Moroni kahit napaliligiran sila ng kasamaan? Ano ang mga huling salita ni Moroni? Bakit mahalaga ang mga ito?